The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Posts tagged “past

1-2-3 Smile! Click!


What makes a picture so special? They say it is the story that a picture tells. I agree.

Sa pamilya namin, ako ang mahilig mag-ayos, magtabi, mag-frame at mag-album ng pictures. Sa maraming pictures na mayroon kami sa bahay, may ilan na hindi ko alam kung kanino galing, kahit ang mga tao na nasa picture hindi ko rin kilala. Kapag tinatanong ko ang Mama o kaya ang Papa ko, ilan doon sa mga pictures na iyon ay nakikilala pa nila (anong istorya sa likod nun, sino-sino ang mga nandun, kanino iyon galing etc). May ilan din na hindi na nila makilala. Pero sinasabi nilang kanila daw iyon sabay utos na huwag ko raw iyon itapon at itabi ko nalang.

23 years old na akong kumukonsumo ng hangin sa mundong ito at sa 23 years na iyon, marami-rami na rin akong naitabing mga pictures ko.

May ilan, talagang iniingatan ko.

May ilan, ayos lang. Worth-keeping.

May ilan, ikinakahiya kong ipakita (halimbawa, yung picture kong nakahubad ako habang nagtatampisaw sa isang palanggana sa banyo namin. I am sure meron din kayong picture na ganoon ang subject, nakahubad din. Pwede bang pakisagot ako, bakit ang mga Nanay natin minsan ang lakas mang-trip? Minsan tinanong ko Mama ko kung bakit niya ako kinunan ng litrato na nakaganun, sabi niya para daw maipakita niya sa magiging asawa ko. Haler?! Pang-blackmail pa?)

At may ilan, ayaw ko na talagang ipakita at makita kasi it brings about good old heartaches (pero di ko rin maitapon).

At may ilan din naman na di ko na maalala ang istorya, kung sino-sino ang mga nandun, kanino iyon galing atpb pero katulad ng mga magulang ko, hindi ko itinatapon at itinatabi ko pa rin.

Bakit? Ewan ko rin e.

Let me guess. Siguro dahil malaki ang utang na loob natin sa mga istorya sa likod ng pictures na iyon: heartaches man iyon or happiness, ano man ang subject at nakapikit ka man sa picture na iyon, nakasimangot o kaya ay naka-korean peace sign or bad finger pa nga. That incident in our life made us who we are today. But, it must not define our future.

Hindi totoo na ganun ka noon, ganito ka ngayon at ganoon ka bukas. Sa Neverland lang nangyayari na di ka tumatanda at hindi ka si Peter Pan. Sabagay, it’s natural to grow old, but growing up is your option. You can never stop yourself in growing older every time you wake up everyday but you can stop growing up. At para sa mga taong tumatanda lang nang walang pinagkatandaan (katulad ko dati?), ikaw ay LOOSER.

Many had come in and out of my life. Yung iba bumalik-balik pa rin naman. Pero meron din na ayun, malayo na sa akin at feeling ko, ako ay malayo na rin sa kanila. Sad reality siguro ito ng buhay. May ibang daraan lang talaga. Pero marami din naman ang gustong sumabay sa paglalakbay mo.

Iba-iba din ang dahilan ng mga tao bakit sila nanantiling kasama natin at bakit din sila lumalayo. Pero manatili man sila o lumayo sa iyo, minsan at sa isang dahilan, naging espesyal sila sa iyo at naging espesyal ka rin sa kanila. Anuman ang maging ending: lumayo ka man sa kanya, lumayo man siya sa iyo, o manatili kayong magkasama, bumalik man siya sa iyo o hindi na,  sinuman siya o sila: they might have left a picture for you and the pictures might become faded. Pero hindi talaga ang developed pictures ang mahalaga doon e, kundi yung pangyayari at kwento maging yung tao na sumubok sa iyo, nagpatibay sa iyo at naging bahagi mo.

Always remember, you hold an imaginary camera everyday. Don’t stop collecting pictures. Take all the pictures you could! Okay?

Leave your thoughts! The comment tab is at the top of this page. Thanks!

1, 2, 3 Smile!
Click!