The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Lektura Bilang 003: Mga Banal na Kasuotan


SOTANA

Ang Sotana (cassock or mass cassock o soutane sa Ingles) ay damit ng pari my mahabang manggas, may pileges (lupi, tupi o tiklop) ang likod, at pinapatungan ng kasulya kung may misa. Ito ay madalas naipagmamali sa alba (alb sa Ingles). Ang alba ay isa ring puting damit na may mahabang manggas subalit higit na maluwang sa sotana. Ang baybay na sutana ay varyant ng sotana.

ANG PAMUHATAN NG SALITANG CASSOCK

Kapag sinabing pamuhatan o etimolohiya (etymology sa Ingles), ito ay tumutukoy sa kasaysayan ng pinagmula ng salita at ng kahulugan nito.

Ang salitang cossack ay mayroong dalawang pamuhatan:

  1. ang casaque (French) na ang ibig sabihin ay long coat;
  2. at cassaca (Italian) na ang ibig sabihin naman ay white at riding coat

Noong matandang panahon, ang cassock ay kilala rin na vestis talaris (Latin).


KASULYA

Ang Kasulya (chasuble sa Ingles) ay isinusuot sa ibabaw ng alba at panloob ng estola. Sa mga pari, ang kahulugan ng kasulya ay singkaw ni Kristo (yoke of  Christ) at kawang-gawa o karidad na pinatutunayan ng mga pananalitang binibigkas ng isang obispo sa panahon ng ordinasyon ng isang pari: Receive the priestly vestment, by which is signified charity.

ANG PAMUHATAN NG SALITANG CHASUBLE

Ang salitang chasuble ay mayroong dalawang pamuhatan na parehong mula sa Latin: ang casubla at casula na ang kahulugan ay hooded cloak. Ang dalawang pamuhatan ay mula sa salitang casa na ang ibig sabihin ay little house.

Sa Latin ito ay tinatawag din na casula planeta pænula at sa ibang sanggunian naman ay amphibalus.

Si San Patricio, obispo at patron ng Irlandia (Ireland) ang unang tumawag sa kasulya bilang casal na ang kahulugan ay house head-holed.

Ayon naman sa pakahulugan ni San Isidro, ang casula ay “a garment furnished with hood, which is a diminutive of casa, a cottage, as like a small cottage or hut, it covers the entire person.”


ESTOLA

Ang estola ( Stole sa Ingles) ay isang kalampay na isinusuot ng pari kung nagmimisa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s