The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Tagisan ng Talino and Marian Quiz Bee 2009


1st tagisan tarp

Ang Una at Taunang Tagisan ng Talino 2009 ay ginanap sa Kapilya ni San Christopher sa Distrito ng Kabanguhan (Makati 2) noong Enero 25, 2009 (National Bible Sunday ’09). Ang Tagisan ng Talino 2009 ay tumalakay sa Aklat ng Genesis, ang unang aklat sa Biblia. Ang kauna-unahang dekano ng Tagisan ng Talino ay si Querubin John Albert Dupaya Gurtiza, tumatayong EVC-Int noong mga panahong iyon.

Ginanap din kasabay ng Tagisan ang First and Annual Marian Quiz Bee 2009 sa kapilya din ni San Christopher sa Distrito ng Kabanguhan (Makati 2). Ang Marian Quiz Bee 2009 ay tumalakay sa Kasaysayan ng Pagpapakita ng Ina Poon Bato sa pinuno ng tribong Ita na si Djadig, Kasaysayan ng Pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria kay Santa Bernadette Soubirous, at Kasaysayan ng Pagpapakita ng Mahal na Birheng Maria kay Santa Catherine Labouré. Ang first dean of Marian Quiz Bee ay si Reverendo Padre (+) Jhudiel Ronald Allan Obregon Licup, OMHS, na tumatayong Executive Senior Auxiliary Adviser (Chairman Emeritus) noong mga panahong iyon.

Sapagkat ang Enero 25 ay araw din kung kailan tradisyonal na ipinagdiriwang ang kapistahan ni Maria Ina Poon Bato (simula ngayong Hulyo 2009, ang kapistahan ay ipagdiriwang na tuwing Hulyo 13), sinimulan ang palatuntunan sa isang boodle fight, kung saan ang mga handa ay pinagtulungan at pinag-ambagan ng lahat ng distrito.

kainan1

May intestine (thanks P1!), may adobo at kanin (salamat M2!), at syempre ang walang kamatayang chopsuey (hulog kayo ng langit T3!). For dessert? Ang saging ng distrito ni Coring! (Salamat Ate Cora and M1!). Sinagot naman ng Taguig 1 ang meryenda (pansit… para humaba ang… b…u…h…a…y). Aba hindi natawag ang lahat ng distrito ah… sa Tagisan 2010, kayo ang sasagot sa lechon! (hehe).

kainan2

E di yun na nga. Nagkainan muna. Syempre… Tagisan ng Talino and Marian Quiz Bee ‘to. We need to fuel our stomachs. Naks!

At dumating na ang takdang oras…

Sa Opening Worship, umawit muna ng mga papuring awit ang mga Milagrosans. Nagpamigay ng mga lyrics sheets sa lahat ng dumalo. Binasa ni Monsignor (+) Federico Rudy Banate Jr., OMHS ang Mabuting Balita bilang pangwakas sa Opening Worship. Ang Mabuting Balita ay hinango sa Ebanghelyo ni Juan (1:1-18).

worship1

Matapos ang Opening Worship, sumunod na ang palatuntanan ng Tagisan ng Talino para sa taong 2009. Nagkaroon ng 3 Dibisyon: Isahan, Pangkatan at Patatagan. Sa bawat dibisyon ay nagkaroon ng tatlong antas ng pagtatanong: ambon, ulan, bagyo. Ang dekano ang Tagisan ang siyang bumubunot ng tanong at siya ring nagbabasa nito ng malakas upang marinig ng mga kalahok at ng mga manunuod. Ito rin ang patakaran na sinunod sa Marian Quiz Bee.

  dekano

Matindi ang naging tunggalian. Subalit may mga pagkakataon na sadyang di malilimutan na nakunan ng aming camera…kesyo may kinapos sa isasagot…may nagnilay na at nanalangin para sa tamang sagot…may iba naman na parang nautusan lang ni nanay na bumili ng suka, dahil naubusan yata ng isasagot…at mayroon naman na talagang alam ang sagot at maging kung sa anong pahina ng reviewer ito nahugot…

spoofs

Marami ang nagtangkang sungkitin ang Unang Gawad Medalya Milagrosa, mapasa-Isahan o Pangkatang dibisyon. Kahit pa nga sa dibisyon ng Patatagan. Subalit iisa lamang ang nagtagumpay na masungkit ang Gawad (kamuntik pa ngang hindi, salamat sa clincher question). At ang mapalad na iyon ay si Hija de Maria Cindy Valdez Lara mula sa Distrito ng Kadalisayan (Makati 1). Si Hija de Maria Cindy ang kauna-unahang nagkamit ng Gawad Medalya Milagrosa para sa Batang Iskolar ng Biblia sa kasaysayan ng mga Anak ng Mahal na Ina ng Medalya Milagrosa.

nagtangka

Marami din ang sumubok na sungkitin ang Gawad Medalya Milagrosa para sa Batang Mariologo ng Taong 2009, ang ikalawang Gawad. Subalit walang nagtagumpay. Napatunayan ng Marian Quiz Bee 2009 na hindi pa sapat ang kaalaman ng Milagrosans pagdating sa tatlong kasaysayan ng pagpapakita ng Mahal na Birhen na nauna nang nabanggit dahilan upang mas lalong paigtingin ang mga pag-aaral at paghandaan ang Marian Quiz Bee 2010.

marian1

Natapos ang palatuntunan ganap na ika-7 ng gabi. Ito ay winakasan sa pamamagitan ng isang pananalangin at pag-awit ng mga maka-Mariang awitin.

Umani ng 23 merit points ang Distrito ng Kabanguhan dahil sa kanilang pagpupunyaging ipaglingkod ang Tagisang ng Talino at Marian Quiz Bee 2009.

closing1

 

 

NOTE:

Hindi lahat ng Tagisan ng Talino and Marian Quiz Bee Pictures ay makikita dito.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s