The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Inspirasyon


Saint Maria Virginia (b. December 30, 1922 - d. May 14, 2005)

Saint Maria Virginia (b. December 30, 1922 - d. May 14, 2005)

“Magkadurog-durong man ang aking mga buto, maglilingkod ako sa Iyo, Panginoon”

Si Santa Maria Virginia (Maria Virginia Peñaflor Leonzon vda. Teruel) ang inspirasyon ng COLMM.

Si Santa Maria Virginia ang Banal na Luklukan (Holy Covenant) ng Santissima Trinidad:

Ang isa sa pitong anghel na may dalang pitong mangkok na puno ng pitong huling salot ay lumapit sa akin. Wika niya, “Halika at ipakikita ko sa iyo ang Babaing makakaisang-dibdib ng Kordero.

Si Santa Maria Virginia ang kauna-unahang Santa ng Apostolic Catholic Church na nabeatipika at nakanonisa ni Patriyarka †Juan Florentino L. Teruel, P.P. noong taong 1995, Linggo ng Pentekostes.

Si Santa Maria Virginia ang kinikilalang Honorary Foundress ng Apostolic Catholic Church (ACC). Siya din ang tagapagtatag ng Holy Spirit Apostolic Catholic Cursillo Foundation, Inc. (HSACCFI), ng College of the Most Holy Trinity (CMHT), Nature’s Basilica of the Blessed Virgin Mary and the National and International Block Rosary Convention.

Noong nabubuhay, isang Pilantropo si Santa Maria Virginia. Sa katotohanan, itinatag din niya ang Don Pacifico Leonzon Foundation (sunod sa pangalan ng kanyang pinakamamahal na ama) na may layuning magbigay ng libreng technical training sa mga kabataan at kababaihang salat sa buhay.

Si Santa Maria Virginia ay unang tinawag sa paglilingkod ng Mahal na Ingkong, ang Diyos Espiritu Santo sa Dambanang Kawayan Cursillo House sa Tipas, Lungsod ng Taguig. Mula noon, hindi mabilang na tao ang nagbalik-loob sa Diyos, gumaling mula sa kanilang mga karamdama at natatakan ng Mahal na Ingkong sa pamamagitan niya.

Ang lahat ng pagpupunyagi ni Santa Maria Virignia ay umani ng mga parangal mula sa iba’t-ibang gawaran.

AWIT KAY SANTA MARIA VIRGINIA

Koda:

Ganda mo’y walang hanggan,

Mama Virginia, walang kapantay

I.

Mama, Mama Virginia

Buhay ng aming buhay

Ikaw ang Santang buhay

Hirang ng D’yos Amang banal

Koro:

Tulad mo’y Sampaguita

Bango’y humahalimuyak

Ganda mo’y walang hanggan

Mama Virginia, walang kapantay

II.

Ikaw ang sant’waryong buhay

Ng D’yos na makapangyayari

Ikaw ang S’yang luklukan

Ng Santisima Trinidad

Ulitin ang Koro

III.

Bundok ng Lupang Banal

Bayan at lupang hinirang

Ang Bagong Herusalem

Sa’yo ay nakalaan

Ulitin ang Koro

DOWNLOAD:

  • St. Maria Virginia’s biography
  • St. Maria Virginia’s autobiography
  • Awit Kay Santa Maria Virginia’s Lyrics with Chords (Tagalog)
  • Awit Kay Santa Maria Virginia’s Lyrics with Chords (English)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s