The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Ang Birhen ng Medalya Milagrosa at ang Reyna ng mga Anghel


Under Construction

Ang Maikling Kasaysayan ng Pagpapakita ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa kay Sta. Catalina Labouré

Ang bersiyon na ito ng Kasaysayan ng Pagpapakita ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa ang dapat basahin sa tuwing lipat ng Mahal na Birhen mula sa isang distrito patungo sa isa maging tuwing Nobyembre 27, araw ng Kanyang kapistahan sapagkat ito ang pinakamalapit sa katotohanang nangyari sang-ayon sa mga saliksik at pinakamalapit maging sa salin sa wikang Filipino ng kasaysayan na isinulat ni Reb. Padre Aladel, makadiwang patnugot ni Sta. Catalina Labouré, sa wikang Pranses. Wala nang iba pang bersiyon ng maikling kasaysayan ang kikilalaning opisyal liban dito hanggat walang pagsang-ayon ng mga Executive Officers ng Mga Anak ng Mahal na Ina ng Medalya Milagrosa na pinagtibay ng Obispo ng Diyosesis.

Sino siyang dumaratig, marilag na tulad sa bukang-liwayway, magandang tulad sa buwan, maningning na parang araw at kakila-kilabot na tulad sa dumadaluhong na hukbo?

– Awit ni Solomon 6:10

Ave Maria purissima, sin pecado con su vida.

Ang imahen ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa ay isa sa mga natatanging imahen na pagmamay-ari ng Banal na Luklukan, Santa Maria Virginia. Ito ay kanyang ipinamana at itinagubiling alagaan sa isa sa mga apostol ng Mahal na Ingkong, si Apostol Simon.

Ang Maikling Kasaysayan ng Imahe ng Reyna ng mga Anghel

Queen of AngelsSa kapangyarihan ng Inang Simbahang Apostolic Catholic Church na pinapatnubayan ng Obispong Tagapagtatag nito, ang Kanyang Kabanalan Patriyarka †Juan Florentino L. Teruel, Pontificus Presbyteros (P.P.), Ph.D. (Doctor of Philosophy), at sa kapahintulutan ng Diyos Espiritu Santo na nagpatawag sa abang pangalan na Mahal na Ingkong, ang Reyna ng mga Anghel ay itinakda bilang patrona ng ika-labintatlong rehiyon ng ACC noong Mayo 28, 2005.

Pormal na itinanghal ang imahen ng Reyna na mga Anghel sa Mahal na Ingkong noong Nobyembre 12, 2005.

Sa kauna-unahang pagkakataon, matagumpay na napabilang ang imahen sa 18th National Block Rosary Convention at Marian Procession ng Apostolic Catholic Church noong Disyembre 11, 2005 sa Quirino Grandstand, Luneta, Lungsod ng Maynila bilang isang opisyal na patron.

Noong Abril 2, 2006, nagsimulang dumalaw ang imahen ng Mahal na Reyna ng mga Anghel sa bawat rehiyon ng simbahan upang makapiling at maka-ulayaw Siya ng kanyang mga anak na luklukan ng mga anghel maging yaong mga luklukan ng mga santo at santa.

3 responses

  1. harvey

    thank u 4 sharing ur history

    November 14, 2010 at 10:51 pm

  2. harvey

    i want to know the story of miraculous medal thank you

    November 14, 2010 at 10:46 pm

  3. hiyas jennifer

    maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang natatangap ko si mula na naging hiyas de maria poh ako.

    February 18, 2010 at 11:47 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s