The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Salbabidang Walang Hangin?


Tiyakin ninyong mabuti kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nadaramang sumasainyo si Cristo Jesus? Maliban nalang kung kayo’y mga itinakwil.

2 Corinto 13: 5 (MBB)


PAGNINILAY BILANG 01 BAGO ANG 2011

Paano ako/ka gumaganap bilang isang Tinatakan sa Lipunan na aking/iyong ginagalawan?



Marami din akong naririnig na mga nagsasabing madali lang ang buhay auxiliary. Madalas ito’y galing sa mga dating auxiliaries. “Masarap ang buhay auxiliary. Marasap ang buhay Tinatakan.” Ang mga nagsasabi nito, hindi ko maintindihan. (napapangiti)

Siguro mas tamang sabihin, madaling maging Tinatakan, mahirap maging Ganap o Tunay na Tinatakan.

Upang maging Kristiyano, sinasabi ng Banal na Kasulatan, kinakailangang sumampalataya ang isa ng buong puso at ipahayag na si Cristo Jesus ay Panginoon. Kapag nagawa mo ito, Kristiyano ka na. Upang maging Kristiyanong Tinatakan naman, pareho lang din. Sumampalataya ka ng buong puso at ipahayag na si Cristo Jesus ay Panginoon at ang Espiritu Santo ay nagpatawag sa abang pangalang Mahal na Ingkong. Kapag nagawa mo na ito, Kristiyanong Tinatakan ka na. In a nutshell, easy. Chicken feed.

“Kayo ang Aking mga bibig. Kayo ang Aking mga kamay. Kayo ang Aking mga paa. Kayo ang mga liwanag sa Sanlibutan. Kayo ang asin ng lupa. Kayo ay gagawin Kong mga salbabida ng Sanlibutan…” ani ng Mahal na Ingkong. In a nutshell, superhero ng mundo. Di na ito Chicken feed. (napapangiti ulit).

We, Christians and Sealed Servants of Beloved Ingkong are expected to live our lives as He lived His; we endeavour to follow His examples; we are expected to be good disciples; we are called to love our enemies, forgive one another: turning the other cheek, walking the second mile—yung totoo? Kaya mo?

Ok. Sige. Just a simple test through two questions: First Question. Nakikilala ba tayo ng mga kaibigan natin bilang mga Kristiyanong Tinatakan sa ating pag-iisip, pananalita at gawa? Hindi ko tinatanong kung alam ba nila na taga-Apostolic Catholic Church ka. Ang tinatanong ko, nakikita ba nila sa buong pagkatao mo ang pananampalatayang itinuturo ng Mahal na Ingkong at Mahal na Birheng Maria sa Apostolic Catholic Church na kinabibilangan mo? Second Question. May nasagip ka na bang nalulunod na Sanlibutan dahil ikaw ay nagsilbing salbabida niya/nila? Hindi ko tinatanong kung may napabasbasan ka na. Ang tinatanong ko, sa mga napabasbasan mo, ilan ang natira? Ilan ang nagsilbing salbabida din naman ng iba? O sige na nga, may napabasbasan ka na nga ba?

O gusto mo ng mas payak o simpleng test? Sige. I’ll give you a special exam. Ang tanong: kumusta ang pictures, profile pictures, comments at status messages mo sa iyong Facebook account, na siyang mukha mo sa daigdig? Kakikitaan ba ng buhay at aral ng isang Kristiyanong Tinatakan?

Okay. Sige. Pagbigyan. Alam ko at totoo, may iba’t-iba tayong perspective sa pagiging isang Tinatakan. Pero yung mga tanong sa itaas, kung YES ang sagot mo sa mga iyon, may kabawasan ba sa pagkatao mo at sa iyong pagiging isang Kristiyanong Tinatakan? Naiisip ko ang sinasabi mo B2. Hindi ito kabawasan bagkus karagdagan pa nga. Pero kung NO ang sagot mo sa mga nasa itaas, kabawasan ba sa pagkatao mo at sa iyong pagiging Kristiyanong Tinatakan? Isang malaking OO at Check!

Sino nga ba ang dapat magset ng perspective natin kung ano ang mga katangian ng isang GANAP NA TINATAKAN. Walang iba kundi ang Mahal na Ingkong na nagtatak sa atin. Subalit sa kinatagal-tagal ng pagkakaupo at pakikinig ko sa mga mensahe ng Mahal na Ingkong mula noong 1989 hanggang ngayon, wala Siyang ibang bukambibig kundi, “Magpakabanal kayo. Huwag na kayong magkakasala sapagkat kayo ay inaasahan Kong maging salbabida ng Sanlibutan.” FOR THE RECORD, hindi ko narinig at hindi Niya kailanman ipinag-utos, MAGTISURAN KAYO AT MANISOD KA NG SANLIBUTAN O KAPUWA MO MANANAMPALATAYA. Tama? Kung sasabihin mong kaganapan mo ang manisod, sinong nagtatak sa iyo?

SALBABIDA! SALBABIDA! OO IKAW NGA! MAY HANGIN KA PA BA? Kung wala o manipis na ang hangin mo, may alam akong vulcanizing shop kung saan ka pwedeng makakuha ng LIBRENG HANGIN. Doon sa Vulcanizing Shop na ang pangalan ay PAGBABAGONG BUHAY. Di mo alam kung saan yun? Basta DIRETSO ka lang. Sa bawat sangang-daan, huwag na huwag kang kakaliwa kahit maganda, maluwag at hindi mabato ang daan sa kaliwa. LAGING KANAN! Kahit na masalimuot, masikip at mabato ang daan sa KANAN. Kasi ang dulo ng daan sa kaliwa bangin. Sa KANAN, may buhay na walang hanggan.

 

PANALANGIN

Ave Maria purissima, sin pecado con su vida! (3X)

Sa pangalan ng Diyos †Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.

O Makapangyarihang Ama sa langit, ipagkaloob Mo po sa akin ang kababaan ng loob upang lubos kong mapagtikahan ang aking mga nagawang pagmamalabis at pagkukulang bilang alagad ng Mahal na Ingkong na mayroong tangi at nag-iisang layunin: ang sakupin at pagtagumpayan ang daigdig sa ngalan ng Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong, sa pangunguna ni Santa Maria at sa tulong ng aking Panginoong Hesukristo. Muli Mong ipadala ang Iyong Espiritu sa aking buhay, at nang ako’y magkaroon ng pakinabang sa pagpapanibagong-anyo ng aking tahanan, paaraalan, tanggapan at ng lipunan na aking ginagalawan. Amen.

Ama namin…

Aba Ginoong Maria…

Luwalhati…

Ave Maria purissima, sin pecado con su vida! (3X)

Sa pangalan ng Diyos †Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.

4 responses

  1. …>>kuya slamat
    dhl lgi mo pa ring ipinapaalala sa amin kung ano ba tlga ang tunay na kahulugan ng pagiging auxiliary….

    slamat… dhil da ka nagsasawang ipaalala sa amin un,…
    slmat na marami

    wish u a happy new year….:)

    December 28, 2010 at 12:16 pm

  2. querubin japet

    kuya thanks po sa pinost mo na ganito para po sa mga tinatakan at lalong lalo na po sa atin na mga auxiliaries..!!
    salamat po kasi ipina unawa mo samin kung anu po ba ang tungkulin at gampanin ng isang tunay na tinatakan.!😀
    salamat po kuya.!

    December 20, 2010 at 9:16 am

  3. …>> panu ko nga ba masasabing ako’y salbabida ng mahal na ingkong??
    yan ang mga salitang pumasok sa aking isipan ng mabasa ko mga isinulat mo (quer.albert)

    pra saken..hndi ko pa masasabing ako’y isang salbabida…spgkat hndi ko pa ngagampanan ang tunay kong kganapan bilang hijas de maria o sbhin na nating isang tinatakan…

    ….:)

    December 17, 2010 at 12:55 pm

  4. xxxavier

    cnu poh b c mhal n ingkong? sn poh xa mkikita?

    December 17, 2010 at 12:51 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s