The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

1-2-3 Smile! Click!


What makes a picture so special? They say it is the story that a picture tells. I agree.

Sa pamilya namin, ako ang mahilig mag-ayos, magtabi, mag-frame at mag-album ng pictures. Sa maraming pictures na mayroon kami sa bahay, may ilan na hindi ko alam kung kanino galing, kahit ang mga tao na nasa picture hindi ko rin kilala. Kapag tinatanong ko ang Mama o kaya ang Papa ko, ilan doon sa mga pictures na iyon ay nakikilala pa nila (anong istorya sa likod nun, sino-sino ang mga nandun, kanino iyon galing etc). May ilan din na hindi na nila makilala. Pero sinasabi nilang kanila daw iyon sabay utos na huwag ko raw iyon itapon at itabi ko nalang.

23 years old na akong kumukonsumo ng hangin sa mundong ito at sa 23 years na iyon, marami-rami na rin akong naitabing mga pictures ko.

May ilan, talagang iniingatan ko.

May ilan, ayos lang. Worth-keeping.

May ilan, ikinakahiya kong ipakita (halimbawa, yung picture kong nakahubad ako habang nagtatampisaw sa isang palanggana sa banyo namin. I am sure meron din kayong picture na ganoon ang subject, nakahubad din. Pwede bang pakisagot ako, bakit ang mga Nanay natin minsan ang lakas mang-trip? Minsan tinanong ko Mama ko kung bakit niya ako kinunan ng litrato na nakaganun, sabi niya para daw maipakita niya sa magiging asawa ko. Haler?! Pang-blackmail pa?)

At may ilan, ayaw ko na talagang ipakita at makita kasi it brings about good old heartaches (pero di ko rin maitapon).

At may ilan din naman na di ko na maalala ang istorya, kung sino-sino ang mga nandun, kanino iyon galing atpb pero katulad ng mga magulang ko, hindi ko itinatapon at itinatabi ko pa rin.

Bakit? Ewan ko rin e.

Let me guess. Siguro dahil malaki ang utang na loob natin sa mga istorya sa likod ng pictures na iyon: heartaches man iyon or happiness, ano man ang subject at nakapikit ka man sa picture na iyon, nakasimangot o kaya ay naka-korean peace sign or bad finger pa nga. That incident in our life made us who we are today. But, it must not define our future.

Hindi totoo na ganun ka noon, ganito ka ngayon at ganoon ka bukas. Sa Neverland lang nangyayari na di ka tumatanda at hindi ka si Peter Pan. Sabagay, it’s natural to grow old, but growing up is your option. You can never stop yourself in growing older every time you wake up everyday but you can stop growing up. At para sa mga taong tumatanda lang nang walang pinagkatandaan (katulad ko dati?), ikaw ay LOOSER.

Many had come in and out of my life. Yung iba bumalik-balik pa rin naman. Pero meron din na ayun, malayo na sa akin at feeling ko, ako ay malayo na rin sa kanila. Sad reality siguro ito ng buhay. May ibang daraan lang talaga. Pero marami din naman ang gustong sumabay sa paglalakbay mo.

Iba-iba din ang dahilan ng mga tao bakit sila nanantiling kasama natin at bakit din sila lumalayo. Pero manatili man sila o lumayo sa iyo, minsan at sa isang dahilan, naging espesyal sila sa iyo at naging espesyal ka rin sa kanila. Anuman ang maging ending: lumayo ka man sa kanya, lumayo man siya sa iyo, o manatili kayong magkasama, bumalik man siya sa iyo o hindi na,  sinuman siya o sila: they might have left a picture for you and the pictures might become faded. Pero hindi talaga ang developed pictures ang mahalaga doon e, kundi yung pangyayari at kwento maging yung tao na sumubok sa iyo, nagpatibay sa iyo at naging bahagi mo.

Always remember, you hold an imaginary camera everyday. Don’t stop collecting pictures. Take all the pictures you could! Okay?

Leave your thoughts! The comment tab is at the top of this page. Thanks!

1, 2, 3 Smile!
Click!

7 responses

  1. ..hehehe nice article kuya john hehehe it brings impact to me!!!
    dami tuloy na good and bad memories na biglang sumagi sa isip ko when i first read
    your article. at my worst pa nga eh :c

    ..pero dahil jan pag uwi ko sa bahay hahalungkatin ko yung tokador namin ng
    makita ko ulit kung anu ako dati!!
    gaya po ng sabi mo sadyang my mga bagay na dapat ng itago at wag ng ipakita pa
    hehehe (heartache!! malamang!!) ayiiieeeehhhhhhhhhh
    pero nice share kuaya.. ^_^ ..

    ..nakakamiss yung mga long lost friends ko.. hehehe
    ito lang masasabi ko kung important sayo keep it
    kung hindi naman keep it pa din ng walang pagsisihan kahit
    sa memories man lang ^_^

    ..nice

    June 1, 2010 at 8:28 pm

  2. jochiepochie

    — so nice nman ! ♥ .. ako din may picture na nakahubad naliligo sa palanggana , minsan nga ginagamit pa ng ate rachel ko sinasabi nya sya daw yun .. cute kasi ako nung baby ako eh hahaXD (peace:D)..

    — ako, basta may dala akong gamit pang picture , picture dito , picture doon ako .. nagkaroon pa nga ng time na may picture ako hindi naman siguro mali pero sumobra ata .. kaya kailangan itago hahaXD.. basta about picture marami ako naaalala ..

    * minsan kahit nga isa lang yung tao sa picture ang daming kwento, di ba? lahat nag re-react .. tapos yung ibang picture naman hindi yung tao tinitingnan yung backround lang ha ganito pa nga yung reaction oh (wow! ganda naman ng pic,,ganda ng background mo)*insulto*..haha

    SAY CHEESE!!! =]

    (pa-picture naman pang primary lang!)

    May 28, 2010 at 2:25 pm

  3. seniorita yhazette

    picture! picture! madalas yan talaga ang word of the day kapag may mga event.. minsan nga kahit di bonggang event kuha dito kuha dun.. walang pinapatawad na lugar lalo na kapag minsan lang makita ang mga taong present ng araw na yun.. ako din may picture na nakahubad nung baby pa pero di sing bongga nung kay mica na sa beach pa, sa palanggana lang yung akin hehehe (dukha!) bawat taong nakakasama natin walang kasiguraduhan kung gaano katagal, tama talagang we should hold an imaginary camera pero mas malupet kung mag-iwan tayo ng mga bagay na masarap alalahanin, picture’s fade pero ang masayang pinagsamahan di magpe-fade kasi for sure darating ang araw na magkikita-kita ulet kayo sa di sinadayang pagkakataon at ang baon nyo dun hindi photo album! kundi kwentuhang walang humpay!!

    nice one kuya bert!!! ganda ng point of view

    May 27, 2010 at 8:24 pm

  4. Hijas de Maria Jessica

    Laughter is the great mental tonic, it can dispel anxiety, help manage stress, depression, fear and worry. Get high on laughter! ‘Coz “LAUGHTER” is the best medicine.’🙂

    May 27, 2010 at 5:04 pm

  5. Querubin Rafael Obregon Licup Jr

    ganda nito.. bigla ko tuloy naalala ung mga dating nakasama… nung ngsisimula palang ako… sila ung palagi kong kasama.. trip dito… trip doon… gala dito… gala doon… tambay dito… tambay doon… i miss those days.. hahaha… pero ganun talaga… may umaalis, may dumadating… pero sabi nga ni albert… “Anuman ang maging ending: lumayo ka man sa kanya, lumayo man siya sa iyo, o manatili kayong magkasama, bumalik man siya sa iyo o hindi na, sinuman siya o sila: they might have left a picture for you and the pictures might become faded. Pero hindi talaga ang developed pictures ang mahalaga doon e, kundi yung pangyayari at kwento maging yung tao na sumubok sa iyo, nagpatibay sa iyo at naging bahagi mo.”.. may mga bago man akong mga kasama, di parin mabubura nun na… kahit isang beses sa buhay ko, ay nakasama ko kayo… miss ko na kayo.. G-MAR, J-ZARD, VI-8ruth, pitong, pong, rizzi, odeth, albert, atoy, buboy, kayo yung mga pictures na hinding-hindi ko makakalimutan… MISS KO NA KAYO… at sa mga kasama ko ngayon, tara picture-picture tayo…🙂

    May 26, 2010 at 10:34 pm

  6. xxxavier

    tama yan!
    pansin ko lang di pwede dito mag jejemon language kasi ineedit yung spelling ng comment. bawal shortcut? jeje
    isa na namang pag-uusapan sa opis ngayong araw.

    May 25, 2010 at 10:38 am

  7. hijamichaella

    “May ilan, ikinakahiya kong ipakita (halimbawa, yung picture kong nakahubad ako habang nagtatampisaw sa isang palanggana sa banyo namin. I am sure meron din kayong picture na ganoon ang subject, nakahubad din. Pwede bang pakisagot ako, bakit ang mga Nanay natin minsan ang lakas mang-trip?”

    hahah, meron din ako netokuya. kaso sa may beach pa. daming tao dun. at nka smile pa ako. dyahe! hahaha.😀

    nice one again kuya.
    “ba-iba din ang dahilan ng mga tao bakit sila nanantiling kasama natin at bakit din sila lumalayo. Pero manatili man sila o lumayo sa iyo, minsan at sa isang dahilan, naging espesyal sila sa iyo at naging espesyal ka rin sa kanila.”

    ay lab it.

    May 25, 2010 at 12:41 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s