The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Reading What You Are Listening


CLICK HERE FOR LYRICS

I am not a music lover neither a big fan of Green Day but, I can’t help but commend the band for this song.

What makes a song a good song? Is it the melody? Is it the rhythm? Is the genre?

A song appeals to the ears because of its melody and its rhythm but a good song appeals to the heart.

A song appeals to the intellect because of its sophistication in instruments used and arrangements made but a good song appeals to the soul.

A song makes you think but a good song gives you what you should think about.

A song narrates other’s decision but a good song advises you to make your own decision.

Do you know what’s worth fighting for, when it’s not worth dying for? These are the first two lines of the song. Ano nga ba? (Nosebleed. Epistaxis). Clueless.

A friend of mine once asked, “Bert, bakit kapag nasasaktan ang tao humahanap siya ng place where he or she can hide?” She asked this when we were in first year college. I foolishly and selfishly answered, “Kasi, ayaw niya nang masaktan pang lalo?” I’d like to go back in time and change my answer to her question.

Based sa aking karanasan, people do look for a place to hide to heal him or herself indeed but they also look for it in order to seclude themselves for them not to hurt anyone else especially, mahal din niya yung taong iyon. I am not only pertaining to lovers. Sabi ko nga, based sa experience ko ito so malabong magpertain ako sa lovers level kasi I never dwelt into a serious and erotic relationship and when I say never, I mean not even once. Pero I am not saying na this doesn’t pertain to lovers as well. It’s just that I would like to divert your focus.

If you hurt your mom, dad, brother, sister, friend, classmate, whoever, naranasan ninyo na rin bang kayo mismo ang nagretreat sa laban at nagtago kasi ayaw na ninyong dumami pa ang casualties at lumalim pang lalo ang mga sugat? Yung gusto mo nalang ikaw ang lumayo o manahimik para kung ano pa yung kayang isalba sa inyong relationship ay maisalba pa ninyo? Kung naranasan mo na, friend, di ka nag-iisa sa mundo. Katokayo tayo.

Hindi ko alam kung likas sa isang tao na tiisin nalang lahat ng kahihiyan huwag lang mapahiya yung taong pinapahalagahan niya; yung mas nanaisin pa niyang siya nalang ang masaktan para huwag nang masaktan yung taong mahal niya; yung mas mamarapatin niyang siya na lang ang lumayo sa halip na yung taong mahal pa niya ang lumayo sa kanya o yung mga taong nakapaligid sa taong mahal niya yung lumayo sa minamahal niya. Kung hindi ako nagkakamali, sa lingo nating mga kabataan emo ang tawag natin sa ganito. Yung mas gugustuhin na tiisin nalang niyang sarili ang lahat ng sakit. Siya at siya nalang. Pero sa ibang dictionary ang tawag dito kung di rin ako nagkakamali ay sacrifice, the strongest and boldest way to express love. At alam ko, likas sa tao ang magmahal. At masarap daw magmahal. Pagmamahal to the higher level. Yung you know when and how to let go. Letting go even the dearest to your heart just for the person you love. Even if it will mean  sacrificing your personal happiness. Even if it will mean your loved one per se.

Siyempre, iba yung may intention kang magpaawa effect lang kaya ka nagtitiis ng lahat ng kahihiyan, sakit at pagkakawalay. Kasi ang tawag naman doon ay hypocrisy, ka-plastikan. polyethylene. calypso. plastic labo.

If  you are in ruins, it is best to lay down your arms, give up the fight and throw up your arms into the sky. Why keep on fighting for something? Because you know it is worth your love? Because it is worth dying for? Okay. But common, what fruit will it bear do you think if you die in the process? I think, some things are hard to win today because it is just not yet the time for us to have it. Or worst, some things are not really meant to be. Alam mo yun, kahit anong pilit, di talaga pwede? Sige, mahihinog nga, pero maasim. Got the point? There are also some people who keeps on fighting because they hate surrenders. They think surrenders make them less of a person. I beg to differ. For me, surrender is one of the noblest things a person has to consider simply because it requires a tremendous amount of strength. The irony of surrender that we often miss is this: we have to be brave to admit we are weak. It makes us even stronger.

I felt for the song. It says, Did you stand too close to the fire, like a liar looking for a forgiveness from a stone? But if we can’t regain others forgiveness and trust for we burned down the house and home, meaning the relationship and the spirit that makes the relationship alive, and you can’t get another try, and something inside this heart has died, you’re in ruins talaga. But you have two options: to live or to die. Pero kung sa computer yan at gusto mong i-click ang to die, believe me, di gagana kasi pangit din ang kakalabasan. I suggest you choose to live over to die. Try to move on.

Remember, there are things we do in life which leave a mark. Before it becomes a mark, it is a wound which requires time and medication for it to heal. But, time and medication does not guarantee that the wound will not leave a mark. Sarcastic? I know.

Wait a minute. I remember that someone famous once said, Life is what you think of it. May mga tao din na nagsasabing, everything is all in the mind.

Let me console you. This may not be applicable to all who will not entertain this to be true and relevant, but I know, this CAN be true to all.

I strongly believe that if only the offender and the offended will both lay down their arms there will be no more violence that will also mean no more hurts. If both will give up the fight I don’t think there will still be a war? If both will surrender, will not time and healing process come in? If you and I will throw up our arms into the sky, as a form of surrender, will not God intercede for us and for our healing? But of course before all these things materialize, we must acknowledge with humility our shortcomings. Both parties. Not just for the offender. The offended must also think on how he or she offended the offender the other way around. Let go of your pride. Remember, we are looking forward to rebuilding our house (the relationship) and the home (the spirit that makes the relationship alive) not to another war that will leave you and me, the offender and the offended, both in ruins. Give each other space and time. Make rooms for healing sent forth by the Force. Let the universe conspire with your noble endeavor, to regain harmony.

A well-respected friend of mine (he’s older than me) believes na ang isang pagkakamali sa isang relationship (sa magulang, sa kaibigan, basta relasyon) ay maihahalintulad sa isang basong nalamatan. Hindi nga basag, nagagamit pa rin naman subalit hindi mo maikakailang may lamat na. Iginagalang ko ang kanyang pagtingin sa mga bagay-bagay dahil kaibigan ko siya, mataas ang pagpapahalaga ko sa kanya, mahal ko siya at di-maikakailang bahagi na siya ng pagkatao at buhay ko. Subalit alam din niya (dahil sinabi ko na rin sa kanya nang harapan) na ayaw kong maniwala sa pagwawangis niya sa pagkakamali sa isang relasyon sa isang basong may lamat dahilan sa 3 bagay:

  1. ayaw kong matakot magkamali sa anumang relasyon na papasukin ko in the future o kinasasangkutan ko ngayon (sa magulang man iyan, sa kaibigan o anu pa man) para lamang huwag malamatan ang aming relasyon dahil iba ang tingin ko sa pagkakamali. Para sa akin ito ay isang sangkap upang lalong patatagin ang isang samahan at upang lalo kang umunlad sa Karunungan. Given the condition na dapat pagsisisihan mo ang mga pagkakamali mo ipagsusulit mo ito nang husto;
  2. ayaw kong maiwaglit ang birtud ng pag-asa. Optimistic ako. Minsan, iyon na lamang ang dahilan ko upang bumangon mula sa higaan araw-araw, papayagan ko pa bang mawala iyon sa akin? E di dedo na ako?;
  3. ayaw kong paniwalaan na isa akong baso (never ko talagang ma-imagine). Hindi ito sa pamimilosopo. Nais ko lamang bigyan diin na ako ay Tao. May buhay ako, kaya kong magpahilom. May quality akong tinatawag na regeneration. Hindi tulad ng isang baso. Walang buhay. Higit sa lahat, nais kong paniwalaan na ako’y isang Tao sa puntong sa kaibuturan ng aking puso, iprinogram (hirap baybayin!) ng Diyos ang salitang pagpapatawad at pag-ibig. Nais ko ring paniwalaan na ang pinagkasalanan ko ay hindi isang baso kundi isang Tao rin na sa kaibuturan ng puso ay may pagpapatawad at pag-ibig. Kung sa Diyos man ako nagkasala, Siya ang nagprogram sa puso ko ng pagpapatawad at pag-ibig kaya alam Niya rin yun di hamak. Ito ang matindi sa lahat ng pinaniniwalaan ko na sana ay igalang ng lahat ng makakabasa nito: noong maisipan ng Diyos na bumaba mula sa Kanyang kinalulugaran sa Langit upang iligtas ang mga tulad kong makasalanan, hindi siya nagsa-BASO kundi Siya ay nagkatawang-TAO. Makukuha rin Niya akong patawarin. Hindi ko Siya tiniis. Hindi rin Niya ako matitiis. Mahal ko Siya at alam kong mahal din Niya ako. (wapak! palong-palo!)

Ang haba na ng post na ito. Pakipulot nalang kung anumang magustuhan ninyo dito sa ikinalat ko. Iwan ninyo nalang dito sa mga pahinang ito yung sa tingin ninyo ay basura talaga. Salamat sa pagbabasa. Gusto ko rin sanang makabasa ng mga saloobin ninyo. Just leave your comments. The comment tab is at the top of this post.

21 Gun Salute to All our Worries and Fears!


12 responses

  1. jazmhine chua

    please paki sagot naman po urgent!!!

    June 5, 2010 at 9:59 pm

  2. jazmhine chua

    mali ba talagang mag ka boyfriend???
    kaylan nagiging mali??

    guys masasabi mo bang mali sila sa puntong pagkakaroon ng kasintahan kung masaya naman sila sa ginagawa nila and they both enjoy their company???? dapat ka pa bang makialam???

    or you should give them space??

    June 5, 2010 at 9:57 pm

  3. ..ayun kabilib ka kuya tama halos lahat hehehe pusong auxi ka talaga naiintindihan mo halos lahat ^_^

    May 31, 2010 at 1:37 pm

  4. jochiepochie

    “Based sa aking karanasan, people do look for a place to hide to heal him or herself indeed but they also look for it in order to seclude themselves for them not to hurt anyone else especially, mahal din niya yung taong iyon.”

    — gusto ko yung part na yan🙂 ♥.. minsan hindi naman lumalayo yung tao para lang sa sarili nila, based sa naranasan ko nung mga kailan lang ahmm hindi naman ako lumayo kasi takot ako masaktan o dahil LOOSER ako .. ginawa ko yun kasi ayaw ko na lumaki, at lalong ayaw kong madamay ang pamilya ko sa isang malaking mali na nagawa ko, lalo na madamay pa ang magulang ko, dahil masakit para sa akin yun, dahil alam ko doble ng sakit na nararamdaman ko ay ang nararamdaman ng magulang ko.. ganun pa man, nag papasalamat ako sa laban na yun , dahil naging matatag ako para sa sarili ko🙂

    sana mabasa ito ng ibang mga tao ..

    ganda ng post na ‘to .salamat! dahil kahit papano nasagot ko yung mga tanong na “BAKIT?” ng ilang mga tao .. sana mabasa din nila ‘to🙂🙂

    go!

    May 28, 2010 at 2:56 pm

  5. seniorita yhazette

    -sa haba ng binasa ko eto ang part na gusto ko… minsan sa haba ng paglalakbay natin kailangan nating suriin bawat pangyayari, mahirap mag-padalusdalos, stop for a while and ask yourself, is it worth fighting for? or i should surrender? minsan mas mahirap ‘tong i-decide ng sa ganang sarili lang ang daming dapat i-consider pero sa huli ikaw padin ang magdedecide nun, mahirap man pero dapat..

    “Pakipulot nalang kung anumang magustuhan ninyo dito sa ikinalat ko. Iwan ninyo nalang dito sa mga pahinang ito yung sa tingin ninyo ay basura talaga.”

    -parang aral lang ahhh pulutin ang kapaki-pakinabang at iwan ang hindi.. pero di ba kahit basura na-irerecycle?? may mga bagay na akala natin basura na at walang pakinabang pero darating ung time na hahanapin mo ang basurang yon, kapag nakita muna yung pag-gagamitan..

    May 27, 2010 at 8:37 pm

  6. poi

    hijamichaella :

    “if only the offender and the offended will both lay down their arms there will be no more violence that will also mean no more hurts. If both will give up the fight I don’t think there will still be a war? If both will surrender, will not time and healing process come in?”
    –sa tingin ko, pang auxi talaga ung part na eto.
    now i know why 21 GUNS.
    salamat kuya sa mga posts mo.
    nakakagaan sa puso.Ü

    May 24, 2010 at 7:54 pm

  7. hijarachel

    super like it..🙂

    “Based sa aking karanasan, people do look for a place to hide to heal him or herself indeed but they also look for it in order to seclude themselves for them not to hurt anyone else especially, mahal din niya yung taong iyon.”

    – ako naman ‘to gusto ko haha ginaya si micha.
    parang continuation nga ito ng Self-confessed eh.

    at minsan talaga o baka nga madalas ay kinakailangan nating isuko ang laban, kasi baka di talga tayo yung mga warriors na dapat sa laban na ‘yon – for that instance, it doesn’t worth the fight.
    give up the fight, kasi di lang naman yan yung nag-iisang ‘fight’ na kailangan mong harapin. lahat tayo may nakatadhanang laban na para sa atin talaga, at yun ang dapat nating pagtuunan ng pansin at lakas para ipanalo.

    inspiring and motivating ‘tong post na ‘to. hay, siguradong buhay na naman utak ko mamaya bago matulog, mapapa-reflection mode ulit.

    thanks for sharing this kuya🙂

    May 24, 2010 at 12:03 am

  8. more pa po

    May 22, 2010 at 6:12 pm

  9. marjorie timbol

    wow amazing more pa kuya albert we love it…..sobrang inspiring nakakarelate po talaga kami

    May 22, 2010 at 6:01 pm

  10. cattaquiqui

    “Para sa akin ito ay isang sangkap upang lalong patatagin ang isang samahan at upang lalo kang umunlad sa Karunungan. Given the condition na dapat pagsisisihan mo ang mga pagkakamali mo ipagsusulit mo ito nang husto”

    “Nais ko lamang bigyan diin na ako ay Tao. May buhay ako, kaya kong magpahilom. May quality akong tinatawag na regeneration. Hindi tulad ng isang baso. Walang buhay.”

    super agree ako dun..very inspiring.salamat po sa paggawa nito, i know readers will be asking for more.

    May 22, 2010 at 2:10 pm

  11. hijamichaella

    “if only the offender and the offended will both lay down their arms there will be no more violence that will also mean no more hurts. If both will give up the fight I don’t think there will still be a war? If both will surrender, will not time and healing process come in?”

    –sa tingin ko, pang auxi talaga ung part na eto.

    now i know why 21 GUNS.
    salamat kuya sa mga posts mo.
    nakakagaan sa puso.

    May 19, 2010 at 7:07 pm

  12. Pingback: Tweets that mention Reading What You are Listening « The Milagrosans -- Topsy.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s