The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Self-confessed


Have you ever felt worthless? I had.

Maya’t-maya, tunog nang tunog ang cellphone ko. Many are looking for me. Some are asking why am I MIA (missing in action) this past days. Every May of every year, I feel the rain. This year, it rained very hard. Too hard for me to handle. Too hard for me to gauge.

Simply put, I need space.

You see, there are times, kailangan ng isang mandirigma na bumalik sa barracks, to think, to heal himself, to rest, to pray. These are necessary for you to continue struggling and fighting for on what you believe is/are right. This time, God made me returned to the barracks not to think, to heal myself, to rest and to pray for what I think is/are right but to think on what I did in the past, to heal my own brokenness, to rest my weary mind, heart and soul and to pray for God’s mercy.

Yep. I did something terribly bad. Too bad that God and Mama didn’t let a second to pass without me being reprimanded. They reprimanded me and I understand that their love and trust on me is more than anyone could ever imagine thus, here comes the 1st rain of May.

Sabi nila, ang unang ulan daw ng Mayo ay nakakakinis ng kutis. Ito daw ang pinakamatamis na ulan sa lahat ng mga ulan sapagkat ang ulan daw na ito ang kumakatok sa mga talulot ng mga bulaklak na nagbibigay hudyat sa kanila na magbangon na sapagkat Mayo na, buwan na ng Mahal na Ina.

Ngayon ko ito napatunayang totoo.

Ang unang ulan ng Mayo ang siyang luminis sa marumi kong balat. Ang ulan na ito ang pumawi ng mapait kong nakaraan. Ito ang kumatok sa akin at nagbigay hudyat na tunay akong mahal sa dilang mahal ng Diyos at Mahal na Birhen sapagkat ang kasalanang ginawa ko sa lihim ay hindi nila pinalampas sapagkat hindi ako nawawaglit sa mga mapagmahal nilang mata. Lagi silang nakasubaybay sa akin, bagaman ito’y lingid sa aking kaalaman (minsan).

May isa pang dala ang Mayo sa akin, isang malinaw na tubig na kung saan ako’y nakapagsalamin. Dito ko nakita ang sariling ako matapos ay narinig ko ang tinig ng Mahal na Ingkong habang ako’y tumititig sa sariling ako. Dito Niya ako inusig sa pamamaraang hindi Mo mahahanapan ng kakulangan ni kalabisan. Pinairal ng Mahal na Ingkong ang Kanyang katarungan. Ito ay isa sa inaari kong kayamanan ngayon. Dito pa lamang sa lupa, inusig na ako ng Mahal na Ingkong hindi dahil sa anumang dahilan liban sa isa: katulad ng isang ulirang Ama sa Kanyang minamahal na anak, nais Niya akong mapanuto at mabuhay na marangal at banal.

Noong Huling Hapunan, nang wikain ng Panginoon na isa sa labing-dalawa ang magkakanulo sa Kanya, tulad ko, inusig ng Panginoon ang kalooban ng mga alagad. Subalit mayroong isa sa kanila na sa kabila ng kaguluhang namumuo sa kani-kanilang kaisipan ang nakaisip na humilig sa dibdib ng Panginoon, malapit sa Pusong iyon na mabuti at maawain: Si San Juan Ebanghelista. Ngayon tulad niya noong una, sinasampalatayanan kong may puwang sa akin sa Pusong iyon. Kung hihilig lamang ako, sa dibdib Niya, upang mapalapit sa Pusong iyon na mabuti at maawain.

Sa kabilang banda ay mayroon namang isang Ina na bagaman tinaguan ko, ay alam kung saan ako hahanapin. Naniniwala ako na talagang ang pagdisiplina sa mga anak ay una at higit na itinalaga ng Diyos sa mga kamay ng mga ina. Naniniwala din ako na ang puso ng mga ina ay higit na malambot kumpara sa lahat yet it is the bravest among all. Alam ng puso ng isang Ina kung kailan kailangan maging matatag sa pakikitungo at pagsusumamo ng isang anak, hindi upang ipadama na hindi ito handang magpatawad bagkus upang ipadama nito ang bigat ng iyong ginawa. Sa yugtong ito, dumadaloy mula sa puso ng isang ina ang isang pagpapala ng Diyos: ang karunungang naibabahagi naman sa puso ng isang anak na nagsusumamo. Sa pamamamagitan ng karunungan, nauunawaan na isang anak ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang lahat maging ang dahilan ng kahatulan mula sa Langit.

May lihim akong natuklasan. Isang dahilan kung bakit ipinadarama ng isang ina ang katatagan Niya sa kabila ng lahat ng iyong pagpapa-awa ay sapagkat ayaw nitong lalo ka pang masaktan. Sapagkat sa likod ng katatagan na iyon ng isang ina, may isang pusong ina din na higit na nasasaktan at nakadarama ng pagdurusa ng kanyang mga anak. At noong nakita ko ang pusong Ina na iyon, na lihim na ikinubli sa akin ng katatagang iyon, naunawaan ko ang lahat. Ano itong aking nagawa na nagdulot ng pasakit sa isang pusong kay buti at uliran?

Hindi nagkulang ang Diyos at ang Mahal na Ina sa akin. Ako ang nagkulang sa kanila.

I am recovering. My life is under repair. God is helping me in repairing it while Mama is on guard.

Whatever crime I had committed, it doesn’t concern you anymore my dear friend and reader. I just find it necessary for me to share the lessons I have learned and the secrets I have found out.

I am very sorry if I had caused you pain sa kahit anumang paraan o dahilan. I thought marami na akong alam dahil matanda na ako, pero God just proved I still have a lot of things to learn. Noted.

Be careful on what you do. Some things do leave a mark that is hard to erase and impart memories that are hard to forget. It might destroy a strong relationship. It might force you to step down in power. Worst, it might forever make you feel terribly sorry.

My name is John and I am optimistic. Indeed we have to be careful in carrying out things such as our daily decisions and tasks but, if the time comes that you weren’t able to meet the set quality and expectations, God is there to help. Mama knows how to repair a broken heart. Indeed, there are things that will surely leave a mark that is hard to erase because Mahal na Ingkong and Mama want us forever celebrate the memory that we had victoriously passed the test of time. It might indeed destroy a strong relationship, but if you choose to stay, forgive each others failings, it might strengthen your ties even more. It might indeed force you to step down in power but it might as well teach you the beauty of humility and proved that no body can ever put you down except you yourself. Worst, it might indeed forever make you feel terribly sorry, but believe me, it will bear the most wonderful fruit of all: Fear of the Lord and Love of Mary.

I had posted here a wonderful meditative song for you as you chew and digest everything I had served tonight. Anghel sa Lupa. Someone dear to my heart dedicated this song to me. Sorry sa mga nasaktan ko lalo na sa inyo. Mahal na mahal ko kayo. Magsusulit ako.

*leave your comments please. it will be highly appreciated. the comment tab is at the top of this page. please pray for me. may God forgive me. may Mama love me again. may all these mays be done this May, if not, in God’s perfect timing.

Bon appetit!

Your chef of the night, John

9 responses

  1. hijarachel

    kuya, you are not worthLESS. hindi porke nagkasala ang isang tao ay wala na siyang silbi o kulang na ang silbi niya para sa iba.
    bilib ako/kami sa tapang mo na ibahagi yung tingin mo na naging ‘kahinaan’ mo – napaka-bihira sa mga strong persons na tanggapin na minsan sa buhay nila ay nanghina sila. sabi nga, it takes a lot of strength/courage to admit your weakness/es.
    yung mismong pag-post mo nitong “Self-confessed” ay isang paraan na ng pagpapakita mo ng worth mo sa amin. i’m sure marami/lahat ng nakabasa ng post na ‘to have come to a realization about appreciating God’s presence in the midst of trials. besides, lahat naman tayong mga nilikha ay may kahinaan at pagkukulang, ang pinakaimportante lang dun, matuto tayong hanapin lahat ng dahilan at lahat ng aral na pwedeng idulot ng pagkakamali natin na yon, at syempre pa, ipamahagi rin natin sa iba ung mga aral na yon. beyond every mistake is a lesson.
    naisip ko tuloy, lalo mo lang pinatotohan kuya that you deserve our trust and respect (hindi lang bilang chairman namin).
    salamat sa pag-share kuya. salamat sa realizations🙂
    tama si ethellia, break ka muna kuya…pagkatiwalaan mo kami, tutulungan ka namin🙂
    lalo ka pa nawang patnubayan at gabayan ng Mahal na Ingkong at tanglawan ng Mahal na Ina.

    May 8, 2010 at 7:40 pm

  2. xxxavier

    michel :

    yuhoo! grbe. adik n aqoh s post nyo. kng my LSS, i2 LPS n aqoh d2. last post syndrome!
    sna mbsa nman i2ng post qoh nung writer. super love it ung post! bitin lng aqoh kz prang mdme p cia gus2 sbhn kzo tkot cia n bka my msktang iba? peo bsta! anoder best n nmn! ei pde kb mainvite s isng small grup discuxion kh8 catholic k? kze xobrang nkktuwa mga post mo. reminds me of ABNKKBSNPLAAko?! ni B.Ong. add kta s facebook h. nhnap kta! bwahahahahe. sna accept mo.
    bsta xuper fan mo n aqoh from now on. ibblita q0h i2ng post. or kng ngcoconduct k ng mga seminars on healing or nglilife testimonies k, please invite me huh. jst pm me sa FB. thnks!
    “d mhlaga ang past. peo dpat iconsider to guide u today and help u tomorrow.”
    bsta uber ang lagupet mo. LUPET!

    anong FB nya michel?! ppost nman pra madd k. thnks. question lng fmily b un or gf ung nsaktan or kptid or best mo? peo congrats. maovercome m din yn. pwomiz. Saludo aq xeo. wla akong lkas mg-amin in public e. bt i knw ihi-heal k rn ng pnginon.

    May 7, 2010 at 5:45 pm

  3. michel

    yuhoo! grbe. adik n aqoh s post nyo. kng my LSS, i2 LPS n aqoh d2. last post syndrome!
    sna mbsa nman i2ng post qoh nung writer. super love it ung post! bitin lng aqoh kz prang mdme p cia gus2 sbhn kzo tkot cia n bka my msktang iba? peo bsta! anoder best n nmn! ei pde kb mainvite s isng small grup discuxion kh8 catholic k? kze xobrang nkktuwa mga post mo. reminds me of ABNKKBSNPLAAko?! ni B.Ong. add kta s facebook h. nhnap kta! bwahahahahe. sna accept mo.
    bsta xuper fan mo n aqoh from now on. ibblita q0h i2ng post. or kng ngcoconduct k ng mga seminars on healing or nglilife testimonies k, please invite me huh. jst pm me sa FB. thnks!
    “d mhlaga ang past. peo dpat iconsider to guide u today and help u tomorrow.”
    bsta uber ang lagupet mo. LUPET!

    May 7, 2010 at 5:40 pm

  4. JOSE MIRANDA

    sa 22o lng gs2 q mkilala sa personal i2ng si jadgurtiza. prang curious aq s pgkatao nya kc ung tipong kpg ngpost xa pti ung the_milagrosans, grbe, sumsapol tlga sa akn yung mga bnat nya.
    xobrang hnahgaan q xa s post nya ngayn. xobrang alm mo un, ang tpang ng taong i2. i dnt knw hm tlaga. my nagsuggest lng s akn s site n2 kz my nbsa dti friend q d2 na ksalan na ang pmagat. grabe. bumakat s puso ko ung article. mula nun huminto n aq s casual dating at one nyt stnds. hey any1 who cud tel me kng wer q mkkta i2ng si jadgurtiza. i just wnt 2 congratulate i2ng taong i2.
    continue to inspire ha. lague aqng dumdaan s pages n2ng site nyo.
    i am jose nga pla. working in makati. mski s workplace, xobrang ung ksalan, topic xa for a month. ill let my friends knw n meron n nman post si jadgurtiza! cgurado topic n nman xa.
    he is my angel. bgay xa knya ung querubin n name ha.

    way 2 go soldier Querobin!

    May 7, 2010 at 5:24 pm

  5. Querubin G. Rafael O. Licup Jr

    DUDE… PARE… QUERUBIN… may isang bagay lang akong gustong sabihin sayo ” BILIB AKO SAYO!”. bilib aq sa mga taong may lakas ng loob para aminin sa harap ng maraming tao na nagkasala sila at hindi lahat kaya gawin ang ginawa mo, at dahil jan may nagtext! (joke lang… hehehe…) at dahil dyan, “SALUDO AKO SAYO!” we stil want you as our chairman and your our one and only Querubin John Albert Dupaya Gurtiza. (payo lng, H’wag masyado madrama. hehehe…) nga pala remind ko lng yung tinext ko sayo nung May 5, 2010. nandito lang kami sa likod mo, handang sumoporta. MAHAL NA INKONG AND MAMA MILA LOVES YOU!

    May 7, 2010 at 12:43 am

  6. Warning: Nobela ito.😄

    I had this prof during college na parang sobrang “cool” ..hindi sa porma kundi sa mismong aura nya, pag tinitingnan ko xa parang wala xang kaproble-problema sa buhay nya… bumilib ako, dahil lahat naman ng tao may problema: iba’t-ibang level/degree, iba’t-ibang sitwasyon. Pero siya, ang tingin ko sa kanya, muka siyang.. living “water” hehe. Sa kanya ko nakuha ang quote na ito,

    “Be like water – calm and adjustable. It accepts every stone you throw at it but you can never ruin it’s original flow.”

    ..during discussion, habang nagtuturo xa ng mga technique samin, nabanggit niya lang ang tungkol sa malaking problema ng mga estudyante, which is yung pagka-“cramming”. Di maiiwasan un lalo na for a very short period of production. Kaya pinayuhan niya kami.. (nagsasalita xa in english nun, hindi ko nainote ang eksaktong mga sinabi nya, but everything he wanted to convey sinked in to my mind & heart..until that quote suddenly popped into my mind). Sabi samin ng prof ko once na dumating kami sa point na nagka-cram na kami & pressure is there above our heads.. just “RELAX”. Lalong hindi maso-solve ang isang problema kung padadala tayo sa pressure, it won’t cause us efficiency kundi mas malaking problema at pagkaantala pa imbes na matapos ang proyekto. Try daw namin maging gaya ng “TUBIG”.

    Sige itry nyong suntukin ang tubig.. anong mapapansin nyo? ..hindi xa nasisira, hindi rin masasaktan.. hahayaan ka pa nyang masuntok mo xa, mararamdaman mo lang ung mismong pagkatubig nya..pero tubig pa rin xa pagkatapos. Ngayon, itry nyo naman kumuha ng bato at ibato sa isang klase ng tubig, halimbawa na lang: sapa. Kapag bumato tayo, iaabsorb lang ng tubig ang bato.. may riffle effect na mangyayari…pero after a short while babalik pa rin xa sa dati niyang itsura at manner. Ganun ang tubig, absorb lang xa ng absorb..pero hindi nya hinahayaan ang mga bagay na mabago xa. Pagkatapos ng riffles o malalakas na waves..kaya nya pa rin payapain ang sarili nya, makakabalik pa rin xa sa dati nyang nature o gawi.

    Pareho lang din ‘to sa buhay natin, di maiiwasan ung mga “negative” na pangyayari o mga pagsubok..anjan na yan eh, part na yan ng buhay. Ang kaibahan lang ay ung approach natin sa pagharap sa mga ito.. maging gaya lang tayo ng tubig, iaccept natin lahat2, iwelcome natin kahit ano..pero nasa sa atin ang choice kung ano magiging effect nito sa atin (we can even choose kung anung effect ang gusto nating makuha). Gaya ng tubig hindi tayo forever my rippled waves saglit lang un kasi it’s part pero babalik pa rin tayo sa normal at tama nating agos. At sa agos na yan, hayaan natin ang Diyos at Mahal na Ina ang mgadirect sa atin. ^^

    Bawat tinatakan may kanya-kanyang wave sa kaganapan, sadya po yatang bawat isa ay may isang point na talagang susubukin tayo. At gaya ng sabi niyo, every Mayo ay may ulan na nararanasan.. marahil kaya mas malakas ngayon ang bagsak ng ulan o ang wave sa dagat para sa inyo, dahil kayo ang kapitan sa panahong ito.. ^^, ..pero wala pong dapat ipagalala hindi nagpapabaya ang Diyos. Wala naman pong taong perpektong mabuti at perpektong masama.. lahat tayo may kamaliang nagagawa pero di ibig sabihin na tayo na ang pinaka-masama sa lahat. Wag nating hatulan ang ating sarili, sa mga nagawa natin. Ang Diyos lang ang may karapatan at nakakaalam kung anu ang dapat sa atin, kaya hayaan natin ang kanyang kalooban ang masunod. Para sa akin walang kapantay ang awa at pag-ibig ng Diyos lalo na sa mga taong alam na nagkamali sila at handang magsisi, kaya’t wag tayo ang magbigay tuldok sa sitwasyon natin, kundi ang Diyos. We can always correct the mistakes we’ve done sa araw2 na chances na binibigay sa atin ng Diyos. Basta aja lang po! Kaya nyo yan!😀

    (Ayaw ko talaga mag-comment pramis!)

    May 4, 2010 at 12:38 pm

  7. S. Christopher Mamale

    Ave Maria Purissima…
    Kapatid, katulad ng nasabi ko kanina halos pareho tayo ng mga bagay na itinuturo sa atin ng Mahal na Ingkong at Mahal na Ina Iba-iba nga lang ang intensidad at pamamaraan. Salamat sa Diyos at pinagkalooban tayo ng bukas na puso upang tumanggap. Alalahanin mo lang po kapatid na higit na Dakila ang Awa ng Diyos kaysa sa lahat nating mga kasalanan. Matuto lang tayong magpakababa, magtiwala at magpatuloy. Sa mga pagsubok na iyan ay diyan tayo tumatatag. Kung nadapa man tayo ay di pa rin tayo nagapi sapagkat natutuhan nating kilalanin ang ating sarili, ang ating kahinaan,at ang ating mga kakulangan at diyan tayo nagtagumpay nang tayo ay magpakababa at humingi ng awa. Ang Pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan! at palakasin ka ng pag-ibig na iyan upang magpatuloy ng may bagong lakas at anyo.

    Mabuhay ka kapatid!

    May 4, 2010 at 11:46 am

  8. hijas de maria ethel

    kuya you deserve a break… no matter what dito lang kaming execs kasama lahat ng auxi… sige kami muna in-charge basta wag ka masyado magtagal huh (hehehe iba padin karisma mu sa mga apo eee)… we love you!!!kaya mu yan!!!! ikaw si Querubin John Albert Dupaya Gurtiza, one of the strongest persons i’ve ever known… hindi yan ang katapat mo MAS MALAKI PA DYAN… heheheh God bless

    May 3, 2010 at 10:44 pm

  9. Pingback: Tweets that mention Self-confessed « The Milagrosans -- Topsy.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s