The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Milagrosans Itataguyod ang Malinis na Eleksyon


Bilang pagtugon ng Mga Anak ng Mahal na Ina ng Medalya Milagrosa sa panawagan ng Mahal na Ingkong, ang Diyos Espiritu Santo, ng Kanyang Simbahang itinatag, ang Apostolic Catholic Church at ng National Council of Churches in the Philippines, nakatakdang pagpulungan ng mga Executive Officers ng COLMM ngayong ika-3 linggo ng buwan, sa National Shrine of Ina Poon Bato ang paglulunsad ng Automated Election System (AES) Voter’s Education Seminar sa lalong madaling panahon sa mga kapilya ng Diyosesis.

Kung mapagkakasunduang itaguyod, ito ay pangungunahan ng Executive Vice Chairman for the External Affairs habang nasasa-isip ang layuning imulat ang mga Apo, maging ang mga botanteng katuwang hinggil sa malaking hamon na kakaharapin ng bansa sa darating na Mayo 10, 2010.

Magpapaskil ng mga campaign posters at magpapamigay ng mga election primers na mula sa NCCP ang mga katuwang sa mga kapilya ng Diyosesis bilang panimula ng mga gawain.

Asahan sa mga susunod pang araw ang mas maraming paskil hinggil sa eleksiyon sa ating site na ito upang ang lahat ng bibisita ay mabahaginan ng impormasyon.

Narito ang isang campaign AVP (audio-video presentation) na tumatalakay sa bagong sistema ng pagboto ngayong Mayo 10, 2010. Kung ito’y panonoorin na, upang higit na maunawaan, paki-pause ang ating player sa may kanang bahagi (Bantayan ang Boto). Maraming salamat.

One response

  1. Pingback: Tweets that mention Milagrosans Itataguyod ang Malinis na Eleksyon « The Milagrosans -- Topsy.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s