The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Kauna-unahang Milagrosan Lenten Retreat, Tagumpay


This slideshow requires JavaScript.

Matagumpay na nairaos ng mga Katuwang sa Diyosesis ng Birhen ng Medalya Milagrosa ang kauna-unahang Milagrosan Holy Lenten Retreat na ginanap noong ika-30 ng Marso (Martes Santo) sa may J.C. Function Hall, J.P. Rizal Street, Barangay Comembo, Lungsod ng Makati na dinaluhan ng 58 katuwang at mga batang luklukan ng mga santo at santa.

Ang nasabing Milagrosan Lenten Retreat ay pinangunahan ng 3 sa mga pinakamahuhusay na tagapagsalita’t mangangaral ng Apostolic Catholic Church: ang Kanyang Biyaya †Winifredo Roberto Jorge Llanda, D.D. OMHS (Obispo ng Diyosesis ng Inmaculada Concepcion), Lubhang Kagalang-galang †Federico Rudy Banate Jr. D.D. OMHS (Katuwang na Obispo ng Diyosesis ng Birhen ng Medalya Milagrosa), Kagalang-galang †Matias, OMHS (Pari ng Diyosesis ng Inmaculada Concepcion).

Dumalo din sa nasabing Banal na Pagliligpit ang tatlo sa pitong Nanay Maria ng Diyosesis: sina Apo Maria Honesta, Apo Maria Rebina at Apo Maria Cerela.

Bagaman ang isang daan at limampung piso (150 pesos) ang Registration Fee sa nasabing Banal na Pagliligpit, hindi nito napigil ang mga Katuwang na Milagrosan na magligpit sapagkat nalalaman nilang ito ay isa sa mga pinakamahalagang paghahanda na dapat isagawa ng isang katuwang bago gumanap sa Lupang Banal para sa mga banal ng gawain ng Mahal na Araw.

Upang makakuha ng sipi ng mga larawan na nasa itaas, mangyaring makipag-ugnayan sa ating mga Executive Assistant Treasurers.

  • Hija de Maria Kaye (Makati) – +639398877545
  • Serafin Roel (Pasig) – +639071783371
  • Hija de Maria Elsie (Taguig) – +639079445683

Ang bawat sipi ng larawan na nasa itaas ay nagkakahalaga ng Php 40.00 samantala, kung nais ninyong makakuha ng sipi ng inyong sertifiko ng pagdala, makipag-ugnayan din sa inyong mga Executive Assistant Treasurers. Ang bawat sipi ng sertifiko ay nagkakahalaga ng Php 10.00.

One response

  1. Pingback: Tweets that mention Kauna-unahang Milagrosan Lenten Retreat, Tagumpay « The Milagrosans -- Topsy.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s