The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Gawad para sa mga Natatanging Paslit ng Taon, Nasungkit!


CongratulationsMatagumpay na nasungkit ng 2 luklukan ng angelita at 2 luklukan ng angelito ang prestihiyosong Gawad Medalya Milagrosa para sa Natatanging Paslit ng Taon sa katatapos na Tagisan ng mga Paslit na ginanap sa Pambansang Dambana ng Ina Poon Bato noong ika-16 ng Agosto, 2009.

Pawisan sa kabang naibulsa nina Angelita Nicole Mota Pascual at Angelita Erica Mae Lique Vacal, parehong mula sa Distrito ng Katatagan, Pasig 3 ang ikalawang Gawad matapos sukatin ang kanilang kaalaman hinggil sa mga sumusunod na paksa: Aklat ng Genesis (Kabanata 1-50), Kasaysayan ng Pagpapakita ng Mahal na Birhen kay Djadig, kay Bernadette Soubirous at kay Santa Catherine Laboure.

Pumangalawa naman ang dalawang luklukan ng angelito mula sa Distrito ng Kapayapaan sa katauhan nila Angelito Mark Soneil M. Saludo at Ruddy Miko S. Domingo.

Sapagkat ang apat na luklukan ng mga Angelito at Angelita ay waging makapuntos nang higit sa 72 puntos na 80% passing rate (out of 90 na tanong) na itinakda ng tumayong Dekano ng Tagisan ng mga Paslit para sa Taong 2009 na si Querubin John Albert Dupaya Gurtiza, sila’y minarapat na tumanggap ng Gawad.

Mayroon pang 1 luklukan ng angelito at 2 luklukan ng angelita na mula sa Distrito ng Kadalisayan, Makati 1 ang nagtangkang masungkit din ang Gawad subalit kinapos na makamtan ang itinakdang 80% passing rate at sila’y sina Angelito Benedict M. Ramirez, Angelita Bea Marie M. Ramirez  at Angelita Eden Joy C. Chavez.

Ang Gawad Medalya Milagrosa para sa Natatanging Paslit ng Taon ay igagawad sa mga natatanging mga angelito at angelita sa darating na ika-18 ng Disyembre, kasabay ang unang Auxiliary Ball na dadaluhan ng mga dati at kasalukuyang auxiliaries ng ating Diyosesis. Maliban sa igagawad na Gawad Medalya Milagrosa, isang piging ang ihahandog sa karangalan ng kanilang tagumpay sa araw na iyon.

Mula ngayong taon, tuwing ika-15 ng Agosto o dili kaya naman ay ika-tatlong linggo sa buwan ng Agosto, gaganapin ang Tagisan ng mga Paslit sa Pambansang Dambana ng Ina Poon Bato bago ang Banal na Pagdiriwang sa hapon.

Ang Distrito ng Katatagan ay pinamumunuan ni Serafin Roel Vargas samantalang ang Distrito ng Kapayapaan ay pansamantalang nasa pangangalaga ni Serafin Bryan Palomar Obra at ang Distrito naman ng Kadalisayan ay pinangungunahan ni Hija de Maria Corazon Botil Fulache.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s