The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

Kasalanan Na!


wedding-flowers

BEYOND WHAT FEELS GOOD, BACK TO WHAT IS GOOD, a phrase na talagang bumingwit ng aking atensyon para basahin ang isang aklat…

Ang ganda ng picture na nasa itaas ano? Siguro isang napakagandang dalaga din ang may hawak ng bouquet na iyan… Hindi man siya maganda para sa iyo dahil uber sa taas ang standards mo ( na mas mataas pa sa presyo ng petrolyo nowadays), for sure, ang babaeng nasa picture sa itaas ang pinakamagandang dalaga sa balat ng lupa para sa binatang aangkin ng kanyang puso…

Gawan natin ng makabagbag damdamin na kwento ang picture sa itaas…

…heto na ang pinakahinihintay na araw ni Jane…

ay wag Jane… Joy nalang…. kasi masaya siya noong araw na iyon… change erase change

…heto na ang pinakahihintay na araw ni Joy… pinagplanuhan niya rin ito ng ilang buwan…  at buong buhay ni Joy, hiniling niya na sana sa araw ng kanyang kasal, sana maging masaya siya…

clear ang langit… walang kahit anong banta ng ulan… at sa background, tumutugtog ang paborito nyang love song… theme song ng kanyang kasal… ano kaya? RUNAWAY para sikat katulad ni Juday at Ryan…

Lumalakad na sa aisle si Joy… papunta sa kanyang future husband, si Marco (para macho).

Kinuha ni Marco ang kanyang mga kamay… at sabay silang humarap sa altar…

hay…

Pero nang magsimula nang panumpain ng pari sina Marco at Joy naganap ang di inaasahan. May isang babaeng tumayo, tahimik na lumapit sa altar, at kinuha ang isang kamay ni Marco. Sinundan pa ng isa na ganun din ang ginawa. At isa pa. Di nagtagal, anim na ang babaeng nakatayo sa harap ng altar, katabi ni Marco, katulad ni Joy.

Naglakas loob magtanong si Joy habang nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. “Ano ‘to, joke? Di ba kasal natin ito? Ako as your bride, and you as my groom?”

“Joy… sorry…,”

“Teka ha, di ko maabsorb… wait… sino sila? sisters mo sa labas? Marco? What’s going on?!”

“Mga past ko sila… pero past na nga di ba? They don’t mean anything to me now… but I’ve given part of my heart to each one of them.”

“Kala ko akin lang ang puso mo? I thought I am the only one for that heart?”

“Totoo naman yun e. My heart is yours. Everything that is left is yours.

Umagos ang luha ni Joy sa kanyang mga pisngi at nagising siya.

 

Come To Think of These…

Ilang beses na ba natin naibigay ang ating puso sa iba sa mga short-term relationships na pinasok natin?

Meron pa kaya tayong maititira na bahagi ng puso natin sa araw ng ating kasal? Do you think fair yung share ng puso mo na ibibigay mo sa iyong future husband or wife?

Pero alam mo, kung nakapagpamigay ka na ng bahagi ng puso mo sa iba, ayos lang. Siguro, talagang pinangunahan ka lang ng kahinaan mo bilang isang kabataan. Pero kung paulit-ulit mo na itong ginagawa, yung tipong buwan-buwan, or di mo binibigyan ang sarili mo ng chance na magtagumpay naman sa kahinaan mong iyan, isa lang ang tiyak ko: LAMPA KA.

Hindi totoo na hindi natin kayang kontrolin yung sinasabi nating “love.” Ang totoo, mas pinili nating tayo ang kontrolin ng akala nating “love.”

Hindi porket masarap ang chocolate cake, kakainin mo na… Syempre dapat maging matalino ka rin… Alamin mo sa sarili mo kung kaya mong kainin yun or kung pwede talaga. Malay mo, imbes na di sana sasakit ang ngipin mo, e nanakit tuloy. O kaya naman, baka tumaas ang blood sugar mo at marami pang iba. Ang punto, kailangan, MAG-ISIP ka. Di lang tikim nang tikim!

Do you think its about time to think in a higher level? Yung tipong oras na para i-consider yung not only what feels good, kundi, let’s go back to what is REALLY GOOD. Even in terms of relationship.

NOT ALL THAT FEELS GOOD TODAY ay OKAY. Palagay mo? NOT ALL THAT FEELS GOOD TODAY IS REALLY GOOD FOR TODAY. IT MIGHT FEEL BETTER OR BEST TOMORROW, IF ONLY WE LEARNED TO WAIT.

Think !🙂

4 responses

  1. love sianda

    you know ganun din ako dati……….marami na akong nasaktan…..hindi naman marami,as in meron na……hehehehehe……
    unang-una kasi feel mo na gustong gusto mo sya….kasi before,pag crush ko ang isang guy at pag nanligaw sa akin ay sinasagot ko na agad,kasi parang wala lang sa akin,im feel so happy……b’coz he loves me too…..kaso nga lang paglipas ng ilang araw lamang ay nawawala na yung gusto ko sa kanya…..and i realize na crush ko lang sya…..
    what is the difference between crush and inlove?
    coz somestimes nalilito ako eh……
    hindi ko nga alam kong masisisi ko ba yong sarili ko kasi bata pa ako noon eh…..actually 14-15 years old…….
    and now i am 16 years old……
    akala ko kasi noon ay parang laro lang ang lahat,akala ko natural lang pero pag masktan mo na ang isang tao ay hindi na natural……
    ilang beses ko ng nagawa yun eh……ngayon ko lang narealize……kaya noong 4th year high school na ako parang nacontrol ko na ang sarili ko sa mga bagay na yun…..pero may mga bagay na hindi talaga mapigilan……
    im so thankful nga eh,kasi ngayon wala na akong bf…….busy na kasi parang wala ng time…….. nag-aaral kasi ako ngayon sa adventist university of the philippines (AUP)….
    first year college….
    at least ngayon i realize na bago mo sagutin ang isang guy ay kailangang isipin mo muna, kasi baka sa bandang huli ay masaktan mo lang siya…….
    takot na kasi akong makasakit ng iba,kasi feeling ko parang nasasaktan din ako…….

    at least naexperience ko na ang mga bagay na yun, and now i know na…..hindi basta basta ang umibig, ng bigla biglaan, kailangan pag-isipan mo muna,bago mo gawin,…..

    sabi nga bata pa daw ako kung bakit naexperience ko na ang mga bagay na yun…….hanep!!!!!parang wala pa sa akin noon eh…….

    and now bata pa rin ako…..im going to 17 this september…….
    concentrate muna sa pag-aaral……
    para walang disturbo……..diba? jejejejejeje……..

    oh!!!!!
    ikaw naman………….
    ill wait!!!!!!!!

    August 4, 2009 at 2:49 pm

    • jomar

      grabi ka friend ang dami bang nagkakagusto sayo huh?
      natural lang talaga yan eh……at least now narealize mo na diba?……..kung saan ka nagkakamali doon ka naman natututo……..
      i like your experience, kasi kahit bata ka pa ay naexperience mo na ang ganyang mga bagay…….
      galing mo huh……..

      have a nice day!!!!!! study well!!!!!!

      August 4, 2009 at 2:59 pm

  2. hijas mitz

    magandang gabi…

    Ito ay isang magandang kwento ( Kwento ba o isang katotohanan..) na sadyang nakakapukaw ng isip at damdamin hindi lamang para sa mga Auxiliary kundi para sa lahat ng mga kabataang nakakaranas ng pag-ibig, nakakalungkot nga lamang dahil kung minsan ang mga bagay na pinahahalagahan ng iba ay walang kabuluhan para sa iba..
    Sana lahat ay mamulat hindi lamang mga Auxi. kundi lahat ng kabataang nakararanas o makakaranas ng tulad ng kwentong ito.. maraming salamat..

    July 9, 2009 at 10:15 pm

  3. minsan may nabasa akong quote na ang sina-suggest ay ganito,

    ..na minsan akala natin ay in-love talaga tayo sa isang tao, andun na yung masaya at nao-overwhelmed tayo sa nararamdaman natin. But then, one thing sholud be clear to us.. ano nga ba ung nararamdaman natin: in-love nga ba tayo.. or in-love tayo sa “idea” ng pagiging in-love.?, tipong ganoon…

    Natural ang umibig pero nasa sa atin kung gaano ito ka-natural. Hmmm… maging aware tayo, baka sa sobrang pagtanggap natin na “natural” un is naka-ilang BF or GF na pala.. hehehe ^_^ Sa palagay ko, kung iibig man… – ..na yung tipong papasukin na natin ang isang relasyon.. ay doon na cguro sa point na cgurado na talaga tayo sa ating mga sarili. Isa pa, para sa’ting mga kabataan, napakahaba pa ng babaybayin natin sa buhay, ang dami pa nating taong pwedeng makasalamuha at makilala.. kaya kung papadala tayo kaagad sa kahinaan natin o sa mga emosyon natin eh baka nga matulad tayong lahat kay “Marco -macho” (hehehe) na tira-tira nalang ung napunta sa mahal nya kc naibigay na sa mga nakaraang relasyon niya ng puso daw nya.. hehehehe😄 *rofl* ..kawawa naman ung babaeng papakasalan nya, moment na sana.. may mga umeksena pa.joke.. buti nalang panaginip lang un ni Joy..😄

    at para din sa ating mga kabataan na tinatakan, mas higit tayong dapat na matatag at nagpapakatatag sa mga bagay na ganito.. kc mismong mga banal natin at ang Mahal na Ina ang magpapaliwanag sa mga kaisipan natin pag dating dito. ^_^ .. un nga lang, kung tayo nga ba ay talagang nakikinig sa kanila… o sa ating sarili lang.

    July 1, 2009 at 2:50 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s