Maria
- Titik ni: George Canseco
- Inawit ni: Basil Valdez
- Komposisyon at Isina-ayos ni: Ryan Cayabyab
- Mula sa Album na: Sundin ang Loob Mo
I.
Ipagbunyi Ka, Maria
Punong-puno Ka ng biyaya
Sa mga kababaihan, bukod tangi Kang
Pinagpala
II.
Dahil sa ‘Yong sinapupunan
Itinalaga at itinadhana
Na magbunga si Hesus, na Anak
ng Lumikha
Koro
Ipanalangin Mo kami, Birheng Maria
Sa aming Panginoon na Ikaw ang Ina
Ngayon at sa aming mga pagkakasala
at sa sandaling mapugto ang aming hininga
III.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Diwang Banal
na Tatlong katauhan ng Dakilang Maykapal
Siya nawa
Ulitin ang II,
Ulitin ang Koro
Ulitin ang III liban sa Siya nawa (2x) saka
Siya nawa



