Ina Poon Bato
Ito ay awit sa Pambansang Pintakasi ng mga Pilipino, ang Ina Poon Bato sang-ayon sa mensahe ng Diyos Espiritu Santo. Ang Ina Poon Bato ay ang pintakasi rin ng Apostolic Catholic Church.
Sinasabing natagpuan ni Djadig, isang pinuno ng tribo ng mga Ita sa bulubundukin ng Zambales ang isang imahe na anyong babae habang ito’y nangangaso kasama ang 3 niyang anak na lalaki. Ito ay ang milagrosang imahe ng Ina Poon Bato na kilala natin ngayon. Pinaniniwalaang ang mismong imahe ay nasa pangangalaga ng Philippine Independent Church sa Botolan, Zambales, Pilipinas.
I.
Ina Poon Bato, Mahal na Birhen
Tulungan Ninyo kami
Sa araw-araw naming suliranin
Ang aming mga kasalanan
Ipanalangin Ninyo’ng patawarin
Sa matuwid na landas
Kami ay Inyong akayin.
II.
Ina Poon Bato, Mahal na Birhen
Kayo ang Ina
Tanging pag-asa namin
Anuman ang inyong
Ipagkaloob sa amin
Buong pusong pasasalamatan
at tatanggapin
Koda
Mahal na Ina ng Diyos, Mahal na Birhen
Kayo ang Ina tanging pag-asa namin




pwede mahingi chords nito?
thanks po. urgently needed. po.
January 16, 2011 at 12:24 pm
hello im john taga dito aq sa pagbilao, quezon medyo my kalayoan sa inyong lugar ask q lng if pede nakahingi ng kupya ng kanta ng Ina Poon Bato kc merun din kaming Ina Poon Bato dito sa Pagbilao and we celebrate its feast day every January 24 soo im hoping po mga Sir/Mam n mabibigyan nyo po kami ng kupya ng kanta…salamat po and God Bless
June 17, 2010 at 8:50 pm