Awit sa Ina ng Santo Rosaryo
I.
Minsan ang buhay ay isang awit ng galak at mayroong liwanag na tatanglaw sa ‘ting pagyapak
Minsan ang buhay ay isang awit ng luha at s’yang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga
At kahit anong tindi ng unos kahit anong tindi ng dilim
May isang Inang nagmamatyag nagmamahal sa ‘tin
Awit Niya’y pag-ibig ng Diyos tawag Niya’y magbalik-loob
Turo Niya’y buhay na ang Diyos lamang sa ati’y nagkaloob
Koro 1
O Inang mahal, narito kami awit-awit ang “Ave Maria”
At dalangin ng bawat pamilya’y kapayapaa’t pagkakaisa
Ang Rosaryo Mong hawak namin at awit-awit ang “Ave Maria”
Puspos Ka ng Diwang Banal dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid Mo kami sa langit ng Amang mapagmahal
Koro 2
O Inang Mahal narito kami’t awit-awit ang “Ave Maria”
Sa anak Mong si Hesus, puso namin ma’y ihahandog
Ang Rosaryo mong hawak namin at awit-awit ang “Ave Maria”
Puspos ka ng Diwang Banal dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal



