The Official Site of Children of Our Lady of the Miraculous Medal

2009 June COLMM Logo for Letters
sheeps
Direction
InaPoonBato
hope
back to school
lecture 1

Latest

Ang Pag-aakyat Sa Langit: Kaluluwa Pati Katawan

25

Araw at Gabi

Bago ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa ating Mahal na Ina, Kaluluwa pati Katawan (The Assumption) (Western Rite)

Bago ang Banal na Paghimbing (Holy Dormition) (Eastern Rite)

Isang Mabuting Pabatid

Sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, si Andres na kapatid ni Simon Pedro, “Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay na sebada at dalawang isda…”

- Juan 6: 8-9

Ang lahat ng Executive Officers, District Officers, Knights of the Altar, mga luklukan ng Santo at Santa at lahat ng mga kasapi ng Mga Anak ng Mahal na Ina ng Medalya Milagrosa ay malugod naming inaanyayahan sa:

BANAL NA PAGBIBIHIS AT PAGTATALAGA KAY APO BENITO DE ANTIOQUIA NG DISTRITO NG PAG-ASA (TAGUIG 1)

SA PAGIGING SAKRISTAN NG ESPIRITU SANTO, ANG MAHAL NA INGKONG

AT SAKRISTAN MAYOR NG MILAGROSAN KNIGHTS OF THE ALTAR

Ito ay gaganapin sa darating na ika-25 ng Hulyo, 2010 (Linggo) na siya rin namang Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon at Kapistahan ni Apostol San Santiago. Sisimulan ang Banal na Pagdiriwang sa ganap na ika-6 ng umaga. Ito ay minabuting ganapin sa Distrito ng Kapayapaan (Pasig 2) kung nasaan ngayon ang imahe ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa.

Halina at makiisa sa pagdiriwang ng Langit at Lupa para sa tagumpay nating ito sa karangalan at kaluwalhatian ni Santa Maria, Birhen ng Medalya Milagrosa at ng Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong.

I Still Hold the Pen

Here we go again with a song by Barlowgirl entitled Beautiful Ending.

I once read all endings are beginnings. We just don’t know it at the time.

Most of the time, we are afraid of endings, especially when the thing that is about to end has a very significant meaning to us or if it will leave us in vain or hurting. There are also endings which we highly anticipate and dearly love because it brings healing and peace. I myself believe that all endings must be embraced wholeheartedly regardless whether it has significant meaning to us or none at all, whether it will leave us in vain or hurting, whether we anticipated its coming, whether it will bring healing or leave us more wounds, whether it will bring us peace or prolong the war because all endings are beginnings. We just don’t know it at the time.

A scriptwriter ends his or her story according to how he or she desires it to end. We, on the other hand, being the scriptwriter of our own life gets to choose our type of ending. But contrary to the popular belief, not all stories have fix endings. There are some that are open-ended. There are also some that were ended on a certain chapter but will be continued on another chapter. We end chapters of our lives according to what ending we choose and how we want it to end.

Isang sangkap ng buhay ang choices. Choices could either make our life on earth miserable or convenient. Dipende iyon kapag ginagamit mo ang isip mo. Sa buhay ko, marami akong nagawang bagay na hindi ko nagamit ang katalinuhan ko. Naiwala ko ata ang utak ko noong mga panahong iyon. So, that chapter of my life ended tragically. My selfish heart and my worthless brain divided me from myself and my most cherished self–my better halves.  As we part ways, I earned nothing but wisdom: You have to be careful in building your plot, for you to end your story well.

So tell me, what is our ending? Will it be beautiful?

Hopeful as you are when you encounter things like what I am encountering now, I am hopeful that this is another open-ended chapter of my life that will be ended soon in the succeeding chapters. Nobody wants to end his/her or other peoples’ story tragically unless one is born selfish and heartless.

But as scriptwriter of my own story entitled MY LIFE, I am bound to answer questions: Should I let go and leave things as they are? Should I just let my story end this way, without closure or concrete ending? Or should I just let other people decide on how they want to end the story I started and I do fear to end?

There are characters in our story who comes and go even before their part in story had come or before our script had ended. May mga tipo din ng character sa isang script na kapag nawala na istorya, di na pang-blockbuster ang script mo at lalangawin na sa takilya. Learn to keep your characters close to your heart. Do not make anything that will tear their respect and trust on you. You might end up like me, unable to end my own story with a beautiful ending. Learn to be true to yourself and to them. Say sorry today if you owe them an apology today for your apologies and sorries might be irrelevant tomorrow or worst, you might caused them a very deep wound that is hard to heal.

To all who can relate to my writings tonight and so with the song; to all who are hopeful that what they are going through right now will end beautifully and not tragically: as long as we hold the pen, we can write our choice of ending and how we want our story to end.

Will my life find me by your side? Indeed because I know, your love is beautiful.

Kindly leave your thoughts. I’m reading it. The comment button is at the bottom. Thanks

The Missing Piece: The (True) Leader

THIS IS THE START OF MY LEADERSHIP SERIES FOR A BETTER ENDING

I know. I was put here on earth to make a contribution.

Everyday, I consume: I EAT. I BREATHE. I TAKE UP SPACE.

One of my mentors told me, “Hey. Think about it. Are you here to add life or to take life?

I said, “I am here to add life to the world. I am here to add spice to living.”

Noong college ako, my motto is: Carpe Diem! (meaning, Seize the day). I am determined to suck all the marrows from life. Alam mo yun, live the most of your 24 hours.

Pero, I was struck by a thought just last night. “Am I here to “get” the most out of life or Am I here to “add” life to the earth, not just take from it?” And God said, “You have to do both.”

I know a friend who I foolishly call “Mr. Ministry.” Alam n’yo yun, s’ya yung tipong there can’t be a day without him saying the word ministry. Sabi niya, sa pamamagitan daw ng ministry niya, he’s hoping God will be pleased. Sabi ko naman, “God is pleased with us, everyday whenever we do something good out of our time. Like good deeds.” And he jokingly said, “Good deeds is spelled as M-I-N-I-S-T-R-Y.”

This petty talk happened when we were in 2nd year college although high school classmate ko siya and we both go to different universities for education. I admire him because he knows his ministry. Sa church na kinakaaniban ko, that is Apostolic Catholic Church, we use other term instead of ministry. We call it kaganapan.

Sabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias, “Pinili na kita bago ka ipinaglihi…” Kung ang isang tulad ni Propeta Jeremias, ay pinili, inaari ko na ako man ay napili at katulad din niya, may itinalagang kaganapan sa akin ang Panginoon. The question is, “Ano?”

Tuwing nakikita ko ang krus, nakakaramdam ako ng isang banal na pagkatakot sa Diyos at pagnanais na tumanaw ng utang na loob sa Kanya. Sadyang kay buti Niya sa akin, hindi ko man Siya nakilala ng face-to-face as Panginoong Hesukristo, ni nahawakan, at nabuhay man Siya ng higit na una kaysa sa akin, sapat nang maunawaan ko, ang aking Panginoon ay buong pagmamahal na ginawa iyon hindi lamang para sa iilan, hindi lamang sa kanila bagkus maging sa isang kagaya ko, hindi marapat mahalin subalit mahalaga sa Kanya at minahal Niya. At dahil sa payak na dahilan na ito, kung Siya na aking Panginoon ay gumanap ng Kanyang kaganapan para sa akin, at sa atin, bagaman hindi Niya hinihiling, panahon ko namang gumanap ng aking tungkulin o kaganapan. Ang bagay na ito ay mahalaga sa akin at nagpapaligaya sa aking nalulumbay na puso. Sa kaharian pala ng Diyos, mayroon akong puwang, mayroon akong layunin, mayroon akong tungkulin, mayroon akong kaganapan. Ito ay kailangan kong gampanan. Ito ang nagdudulot sa aking pananatili sa mundong ito ng kahalagahan at pakinabang.

Masarap din isipin na sa dami ng tao na nag-in and out sa mundong ito, bago ako maipanganak, somewhere which God only knows where, He managed to spare time for me and defined, according to His Divine Will what he wants me to be. For me, that’s really cool. It rocks! Yo!

Sa pagganap ng kaganapan o ng ating ministry, ipinaglilingkod natin ang Diyos sa ating kapuwa. Hindi pantay-pantay ang ating pagkaunawa at pagkakakilala sa ating Panginoon na sa kung paanong paraan, sa ating Simbahan, ikaw ay hinirang, at mayroon din namang tinatawag na Sanlibutan. Magkaibang bigat din ng ani ang inaasahan ng Panginoon mula sa isang hinirang at isang sanlibutan. At naalala mo yung krus? Hindi mo kailangang gampanan ang kaganapan mo dahil naguguilty ka sa kinahinatnan ng nakapako dun o kaya natatakot ka baka balikan ka ni Manong na nakapako. Ginawa Niya iyon na maligaya sa Kanyang kalooban at hindi siya kailanman nanumbat dahil ginawa niya iyon bunsod ng pag-ibig kaya gampanan mo ang kaganapan mo nang maligaya ang kalooban at dahil sa pag-ibig. These will give you a million reason to stay and to say, “I have to please God,” just like Mr. Ministry. Iyon kasi ang example ni Manong na nakapako e. Kung naiisip mo ang naiisip ko, at para tayong si B1 at B2, tama! Ang bait talaga niya.

Anong sabi niya? “Follow me.” Dahil sa ginawang iyon ni Manong na nakapako, simple lang: ang nakaraan natin ay napatawad, ang kasalukuyan natin ay nagkaroon ng kahulugan at ang kinabukasan natin ay may kasiguraduhan. Sapat na ito para masabi ko sa sarili kong marapat ngang ialay ko ang aking sarili bilang isang mahalimuyak na handog sa Diyos, sa pamamagitan ng paglilingkod sa aking kapuwa.

Ngayon naunawaan ko na ang tanong ko bilang isang scriptwriter ng isang makasalanang mundo, “Bakit kaya tuwing ganapan laging may spiel ang Mahal na Ingkong tuwing ganapan na, “…maglilingkod ako,” samantalang waste of airtime lang iyon kung baga sa telebisyon at radyo. Mahalaga pala iyon sa mga taga-langit. Iyon ang dapat mabatid ng mga taga-lupa na tulad ko.

MAGLILINGKOD AKO. Ikaw?

***I changed the site format. The comment button is at the bottom. Please leave your thoughts.

Could You Guard this Post?

DUTY OF A CHRISTIAN

I realized now that being a Christian is not just a label that we can simply identify ourselves from others, but it is a name that we should live in by work and by heart.

I first saw this Audio Visual Presentation from the YCC seminar last Sunday, and honestly, it made me cry. Tinawanan pa nga ako ni Kuya GR dahil nakita niya ako. But I really felt something inside me na kakaiba yung feeling. And I want to share three important realizations that I gained from this.

First, it is our duly obligation to obey what God have asked us to do. Sa first part, makikita na God put someone on the post represented by a cross with an arrow at the top which leads the passersby to the right path. Nung una, ang naisip ko agad ay ganito, “Ah, leader kasi ako. I should guard the post that God has given me. Kailangan ako ang magpastol dun sa mga tupang ipinagkatiwala niya. I am not a District chairman anymore rather; i headed a bigger community now.” Tapos. After that, naisip ko, parang mali. Bakit ako lang, or bakit kaming mga leaders lang? Bakit para sa mga officers lang? Then I realized that it is not exclusive to the leaders per se but to all of us. Para sa atin itong lahat na mga pinagkatiwalaan ni God mula nung mabasbasan tayo. Simple lang. Makagapas tayo. Sa palagay ko, aagree tayong lahat na kagaya nung bata na naglead ng way sa iba, dapat maging leaders din tayo para sa lahat.

Tama, bata talaga yung tingin ko dun sa naka green shirt na may tatlong buhok and that was my second grasp. Bata talaga yung unang pumasok sa isip ko nung nakita ko siya. In my opinion, kaya bata yung nagbabantay nung post kasi  kahit bata pa tayo, we have the capability to lead. Hindi naman tayo bibigyan ng responsibility na hindi natin kaya diba? And I as I have mentioned, hindi lang execs o officers natin ang accountable dito. All of us should take the lead.

Lastly, hindi madali ang duty natin as a Christian not because it is difficult for us to do our duty but it is challenging to be called as one. Simple lang, along the way, we have our own struggles na madalas, nagiging hindrance sa responsibilities natin. Often times, these problems make us weak and tired of being what we are. Personally, ilang beses na din akong kinabog ng madaming adversaries and temptations. And I tell you, hindi siya madali lalo na sa sitwasyon nating mga tinatakan. But the realization does not end there. If I haven’t encountered all those things, I believe I won’t still be here from where I am now. Sabihin na lang natin na part siya ng buhay natin para matuto at maging matatag. In the end, the reward is worth the wait; to be with our Creator’s arms forever. Diba masaya yun pagnagkataon?

Thank you to YCC for inviting all of us to cleanse ourselves once in a while and reminding us about our duties as a leader, as an auxiliary and a Christian as a whole. The seminar took so long but it is commendable to be there.

This is not supposed to be my first post. I am still working on another post and it seems that it is not really different from this one so let me post this first. Para na din siyang prelude. Abangan. :D


Pista! Pista!

MABUHAY ANG INA POON BATO!

inapoonbato.07.13.2010



A Message from God!

I’ll post some quotes here in Milagrosans yan po ang mga wordings ko when I feel down or what. I claimed to be a princess of God. I want you to know that you’re also a princess. Intindihin mo lang ang message ni God. Matotouch ka! Ipinasa lang iyan sa akin ni Apo Donita (Hija Erma) ng Tag1. Thanks po :) Kaya gusto ko din itong ishare sa lahat.

A message from God!
” No man can ever claim you unless he claims you from Me
I reserved a man for you who has My heart and loves me even more
I won’t give you unless he ask you from Me
Soon you will know him, I have a ‘perfect time’
Your My princess, My daughter
Let no prince claim you unless he ask you from My hand
For I am your Father, the King of kings
My princess are worth loving. “

Everything about the future is uncertain but one thing is for sure: God had already arranged all tomorrows. We just have to trust Him as He leads. Don’t overuse your heart trying to look for the one you think you deserve just let God find the person who deserves your love. I could never choose what’s the best for you, never could I say what you should do. But just remember when the best things are going wrong, God will always be there to make you strong. Sometimes the best way to be strong is to admit that you are weak. That you can’t do everything on your own. When you experience pain, don’t ignore your feelings. Remind your self that it’s OK to cry and lift up your concerns to God, for once the storm has passed you will naturally emerge as a stronger person and better person. God has reasons for putting people in our lives. Whatever his purpose maybe what is important is that we learned. Let God be the center of our life.

My fellow auxiliaries, we are still very young . Huwag natin madaliin ang panahon. May nakalaang panahon sa pagsasagawa ng bawat bagay. And yet the future of our church lies on our hands. Tayo ang pag-asa ng ating Inang Simbahan. I know maraming temptations. But Trials are not reasons to give up but a challenge to improve our lives. It’s not an excuse to back out. It’s an inspiration to move forward. Lahat tayo ay may kanya-kanyang weaknesses and mistakes kaya kapag nadapa ka, BANGON! Huwag tayong mag-alinlangan na tumayo ulit at bumangon. Basta lagi nating hilingin sa Mahal na Ingkong at Mahal na Ina na bigyan tayo ng lakas ng loob at tibay ng pananampalataya na may pag-ibig na magsisilbing pananggalang at sandata natin sa kahinaan at tuksong dumarating sa atin. MAGPAKATATAG tayo palagi. Everyday and every night use our hands and knees sa pagdipa at pagluhod sa ating Mahal  Ingkong at Mahal na Ina. Lagi tayo tumayo sa tama at katarungan. Matuto tayong makinig sa mga nagmamahal sa atin dahil hindi nila tayo dadalhin sa kapahamakan. Higit sa lahat makiisa sa banal na ipanagkatiwala sa atin. Mahalin, ingatan, pangalagaan at unahin natin Sila.

Soar High!

HELP YOURSELF! STUDY HARD!

Mas papaigtingin ng kasalukuyang pamunuan ang kampanya upang mahikayat ang lahat ng mga katuwang sa Diyosesis ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa na mag-aral nang mabuti. Handa nating patunayan na kaya natin pagsabayin ang ating pagganap bilang mga luklukan ng mga anghel at bilang mga mabubuting mamamayan ng bansang Pilipinas.

Mabuhay ang mga Estudyanteng Katuwang!

Pito ang Tumugon

HUNYO 12, 2010, SABADO, SA KAPILYA NI SAN JOSE ANG MANGAGAWA (P1)Pinasimulan sa pangunguna ni Querubin Mark Joseph Miranda Ruiz, tumatayong Sacristan Mayor at Executive Vice Chairman for the External Affairs ang kauna-unahang opisyal na lektura ng mga aspirante at tagapaglingkod ng altar sa Diyosesis ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa at ito ay dinaluhan ng pitong magigiting na kaluluwa na nagnanais maglingkod sa Panginoon bilang isang Knight of the Altar.

Nagsimula ang Lektura sa pamamagitan ng isang Banal na Pagdiriwang sa karangalan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria Santissima na ipinaglingkod ng Kagalang-galang na Pari, †Tomas Nestor Deloguin, OMHS at siya’y pinaglingkuran ng mga Tagapaglingkod ng Altar at mga aspiranteng dumalo sa lektura.

This slideshow requires JavaScript.

Ang Lektura ay dinaluhan at pinangunahan ng dating Obispo ng Diyosesis, ang Kanyang Biyaya, †Winifredo Roberto Jorge Llanda, D.D. OMHS na siya rin namang tumatayong Makadiwang-Patnugot ng Apostolic Catholic Church Knights of the Altar sa kasalukuyan.

Binigyang diin ng Obispo, na nagsimula rin sa paglilingkod sa Panginoon bilang Sacristan sa Simbahang Romano Katoliko at sa ating Simbahan ang mga vestments, vessels mga libro at iba pang kagamitang ginagamit sa Banal na Padiriwang, sa iba pang ritwal ng Simbahan maging yaong kagamitan ng isang Obispo at ang mga kahulugan niyon.

Ngayong darating na ika-3 Linggo ng Buwan, matapos ang Toka Mass sa Pambansang Dambana ng Ina Poon Bato, ipagsusulit ng mga Tagapaglingkod ng Altar sa Obispo ang kanilang mga natutunan sa nasabing Lektura.

Ang nasabing Lektura ay dinaluhan din ni Querubin John Albert Dupaya Gurtiza, tumatayong Executive Chairman ng Mga Anak ng Mahal na Ina ng Medalya Milagrosa.

Ang susunod na Lektura ng mga Sacristan ay magaganap sa darating na ika-10 ng Hulyo, 6 ng gabi sa Distrito ng Kapayapaan, P2.

Lektura ng mga Aspirante at Tagapaglingkod ng Altar

Ave Maria purissima, sin pecado con su vida!

Paalala po sa lahat ng mga Aspirante at Tagapaglingkod ng Altar sa Diyosesis ng Mahal na Birhen ng Medalya Milagrosa:

LEKTURA  sa ganap na ika-6 ng gabi, sa Kapilya ni San Jose ang Manggagawa sa darating na ika-12 ng Hunyo, 2010.